by PhilRights Staff

Ngayon higit kailanman lumilitaw ang halaga ng kaalaman at pagkaka-unawa sa mga karapatang ating taglay bilang tao. Mula sa karapatang sibil at pulitikal at sa mga karapatang pang-ekonomiko, sosyal, at kultural, sakop ng mga usaping pang-karapatang pantao ang bawat bahagi ng ating buhay bilang indibidwal at bahagi ng lipunan.

Kaya naman patuloy ang pagsusulong ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) at ng kalakhang kilusan para sa karapatang pantao na palawakin pa ang naaabot ng kaalaman sa ating mga karapatan. Inaanyayahan namin ang lahat na makibahagi sa gawaing ito sa pamamagitan ng pag-akses at pagbabahagi ng mga tampok na materyal tungkol sa ating mga batayang karapatan.

Ang Know Your Rights! (Ang Ating Mga Karapatan) ay isang praymer tungkol sa ating mga batayang karapatan o basic rights at paano natin mapapangalagaan ang ating mga sarili at mahal sa buhay laban sa pang-aabuso. May bersyon ito sa wikang Filipino at wikang Cebuano. Ang praymer binuo sa pakikipagtulungan ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na siyang naglathala at ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na siyang nag-disenyo at nagsalin sa Filipino at Cebuano.

Ang Basic Rights poster naman ay nagtatampok ng ating mga batayang karapatang pantao, anuman ang sitwasyon. Mayroon itong bersyon sa wikang Filipino at wikang Ingles.

 

Ang Karapatan Mo, Alamin Mo poster ay nagbabahagi ng mga karapatang sangkot sa pag-uusig ng mga krimen.

 

Ang mga materyal na ito ay nagtataglay ng kaalamang marapat iparating at ibahagi sa lahat. Maaaring i-request nang libre ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot ng request form na ito [click to open]

Leave a Comment Using Facebook