by the Philippine Human Rights Information Center

Ang Araw ng mga Manggagawa ay araw ng paggiit ng ating mga karapatang Pantaong susi sa buhay na disente at may dignidad.

Ngayong Mayo Uno, kinikilala ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) ang lakas, husay, at tatag ng ating mga magigiting na manggagawa sa kanilang patuloy na pakikipagsapalaran para sa kanilang mga pamilya, komunidad, at Bayan.

Pinalala pang lalo ng pandemya at palpak na tugon dito ng pamahalaan ang patong-patong nang pasanin at abusong nararanasan ng ating mga manggagawa gaya ng kalawan ng kasiguruhan sa trabaho, mga iskemang ‘no work, no pay,’ endo at kontraktwalisasyon, at pahirapang sistema ng pampublikong transportasyon.

Ang karampot na ayudang natanggap ng mga manggagawa sa gitna ng krisis na ito ay dagdag patunay lamang sa kakulangan ng pagkalinga sa ating mga manggagawa. Ito rin ay pagsasawalang-bahala sa estado ng ating mga manggagawa bilang haligi ng ating ekonomiya.

Kaya naman nakikiisa ang PhilRights sa lahat ng mga manggagawang patuloy na bumabagon at kumikilos para harapin ang mga pagsubok na dala ng bawat araw. Asahan ang patuloy nating pagsusulong, pagtataguyod, at pagpoprotekta ng Karapatan ng mga manggagawa.

Hamon natin sa susunod na mamumuno sa ating bansa ang malawakan at inklusibong pagtugon sa mga suliranin ng ating mga manggagawa upang makamit ang tunay na kaunlaran para sa mga tunay na tagapaglika ng yaman.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

#LaborDay2022
#StandWithWorkers
#LaborRightsAreHumanRights

Leave a Comment Using Facebook