by PhilRights Staff

(Sa ibaba ng blog makikita ang request link para makakuha ng libreng kopya)

Tuwing papalapit ang eleksyon, ‘di hamak na mas nagiging aktibo ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapakita ng suporta sa kani-kanilang mga sinusuportahang kandidato. Ngunit sa perspektibo ng karapatang pantao, tiyak na hindi naikakahon sa balota lamang ang ating mga karapatang makilahok at makialam sa mga usapin ng pamamahala at pag-unlad.

Bilang tugon dito, ipinagpapatuloy ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) at ng kalakhang kilusan ang paglalabas ng mga materyal na ipinapaalala ito. Inaanyayahan namin ang lahat na aktibong makilahok at panindigan ang mga karapatang pantao sa lahat ng aspeto ng pamamahala at pag-unlad gamit ang mga materyal na ito – mga materyal na maglilinaw at siyang magsisilbing gabay sa kung paano nga ba isinasabuhay ang RBA o Rights-based Approach sa pamamahala at pag-unlad.

Ang “TAYO NAMAN: Praymer sa Rights-based Approach sa Pamamahala at Pag-unlad” ay isang praymer na siyang magsisilbing gabay para sa lahat ng mamamayan at mga komunidad sa pagsasabuhay ng RBA. Mula sa pagpapaliwanag sa mga pangunahing konsepto ng “karapatan,” “pamamahala,” at “pag-unlad” at sa pagdidiin ng malinaw na ugnayan sa pagitan ng tatlong konseptong ito, itinatalakay din ng praymer na ito ang mga hakbanging maaaring gawin at isapraktika para maisabuhay ang pamamahalang nakasandig sa mga karapatan, na siyang magiging daan tungo sa tunay na pag-unlad. Ito ay nasa wikang Filipino.

Itinatampok naman ng RBA Poster ang mga pangunahing mensahe at ideya na binabatayan ng RBA bilang balangkas. Ito ay nasa wikang Filipino.

 

Ikatlong materyal ay ang RBA Outdoor Information Material (OIM) Set na maaari ninyo ring makuha sa pag-request. Limang bahagi ito na nagbibigay-linaw at diin sa mga pangunahing mensahe at prinsipyo ng RBA. Naka-print ito sa tarpaulin at nakasalin sa wikang Filipino. Pwedeng-pwede isabit sa labas ng bahay o establisyemento.

Ang mga materyal na ito ay nagtataglay ng kaalamang marapat iparating at ibahagi sa lahat. Maaaring i-request nang libre ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot ng request form na ito [click to open]

Leave a Comment Using Facebook