by PhilRights Staff

This is a transcript of season 1 episode 1 of ‘Yang Human Rights Na ‘Yan, PhilRights’ podcast on human rights and social justice. Listen to the episode on Spotify or Apple Podcasts.

OPENING SPIEL

00:00  *Music*

00:06 DEE: Hello, ako si Dee at kasama ko ang aking co-host na si Ian. At ito ang “Yang Human Rights Na ‘Yan!”  Each episode will explore an issue na tagos sa sikmura. Human rights, social justice, at iba pang usaping mahalaga sa Pilipino at sa Pilipinas. Para ating unang episode, minabuti naming talakayin ang isa sa pinakamalaking misconceptions tungkol sa karapatang pantao. Interes nga lang ba ng mga kriminal ang focus ng mga human rights organizations? At bakit nga ba maraming may ganitong pagtingin? At para subukang sagutin ang mga tanong na ‘yan, mapalad tayong makasama ang isang beterano at batikan sa larangan ng human rights at batas—walang iba kundi ang chairperson ng Free Legal Assistance Group, si Attorney Chel Diokno.

00:57 *Music*

01:03 DEE: Ayan, welcome sa lahat ng mga bagong tagapakinig ng ating munting podcast. At welcome sa aking co-host na si Ian. Hello, Ian!

01:10 IAN: Hello, hello Kuya Dee maraming salamat! Grabe itong first episode natin. Kanina nga lang nagbrobrowse ako sa Facebook page natin at binalikan ko yung mga maiinit na comments. Sabi ng isang commentor doon, hindi verbatim pero “Bakit niyo pinapalampas ang mga kriminal? Paano na yung mga pinapatay na mga PNP, mga pinapatay na sundalo? Bakit lagi na lang gobyerno ang tinitira ng mga ‘yang human rights na yan? Bakit nga ba? At nasaan na ang pagtira at pagbatikos sa mga drug addict at sa mga kriminal?” So I think na napakahalaga na ito yung pinaka-una nating episode na i-explore at ia-unpack, saan ba galing itong sentiment na ito at parang napaka-automatic siyang atake?

02:02 DEE: I agree, I agree. Kalat siya. Sa atin naman simple ang sagot natin doon sa mga alegasyon na yan. Syempre may pakialam tayo sa kriminalidad. Syempre may pakialam tayo sa seguridad at safety nating lahat. Na tayo pag lumalabas tayo ng bahay at na secure ang ating pakiramdam. ”Pag nasa bahay tayo at nagpapahinga, na secure tayo at yung mga mahal natin sa buhay. So, kung ‘yun lang ang sagot, maikli yung episode na ‘to.

02:30 IAN: Totoo!

02:31 DEE: Hindi ba?

02:31 IAN: Totoo yan!

02:32 DEE: Pero valid din kasi yung nire-raise na concern. Gaano man siya ka-misdirected mayroong pinaghuhugutan ‘yung ganoong sentimyento at isang objective natin sa episode na to is unpack kung bakit nga ba lumilitaw paulit-ulit ‘yung mga ganitong comments on social media at even in conversations sa atin, sa mga personal na buhay. Malalim kasi yung issue so mahalaga na i-explore natin.

02:57 IAN: Sa ating pag-eexplore gusto ko nang ano na magsabi kung ano kaya.. ano yung pinaghugutan nito.  At para sa akin, none other than the previous president himself. Kasi paulit-ulit sa mga statements ni former President Rodrigo Roa Duterte at kahit nung hindi pa siya presidente, kahit mayor pa lang siya sa Davao ang dami niya ng statements na against sa mga human rights organizations, civil society organizations na talagang ito na yung pinapalakas at isinisigaw niyang misconception about human rights.

03:37 DEE: I would, I would agree. For the past few years namomonitor natin ‘yung mga paraan kung saan may intentional na pag-distort sa human rights concepts ang mga nakaluklok sa pwesto—mga lider ng bayan. And we’ve heard na paulit-ulit as you mentioned, mga statements mula sa mismong presidente natin nitong nakaraan administrasyon, si Presidente Duterte ‘yung mga patutsada niya against human rights advocates at defenders.

04:05 IAN: Totoo!

04:06 DEE: One example is from his 2018 SONA.

04:10 [AUDIO CLIP]: “Your concern is human rights, mine is human lives.”

04:21 DEE: Yan, that’s from his 2018 State of the Nation Address.

04:25 IAN: Jusko, kuya.

04:26 DEE: Sabi niya “Your concern is human rights, mine is human lives.”

04:31 IAN: Oh my god! Napapangiti na lang ako kuya.

04:34 DEE: Oo.

04:34 IAN: Natatawa ako na hindi talaga natatawa. Naiinis! Kasi sobrang false binary niya.

04:42 DEE: Oo.

04:41 IAN: Kasi alam mo yon as a human rights defender, we’ve been teaching, we’ve been trying to share at palaganapin yung conversation na ang human lives part siya ng human rights. Basic na sagot: right to life. Ang buhay mismo ay isang karapatan.

05:01 DEE: Oo.

05:01 IAN: So ang weird talaga, nakakatawa na hinati niya yon. Parang pinagbangga niya yung konsepto ng human rights at human life. At ang nakakatawa pa dito, sino ba siya para i-promote ang human lives kung kilala nga siya sa napaka-infamous na war on drugs.

05:23 DEE: ‘Yung so-called war on drugs na tinatawag na in essence ay isang naging centerpiece policy ng nakaraang administrasyon.

05:31 IAN: Totoo ‘yan!

05:31 DEE: At doon sa statement na yon nung 2018 na SONA, I remember nung minomonitor namin yung mismong address at narinig ko nga yung mga salita na yan. Ganoon din ‘yung reaction parang “Are you kidding me?” Parang bakit mo sinasabi yan?

05:46 IAN: *Laughs* Totoo!

05:47 DEE: It doesn’t make sense, it’s like you mention, a false binary. It’s absurd on its face but take it apart and you see what he’s trying to do. What he is trying to do is create this us vs. them narrative. Na ako pabor ako at mahalaga sa akin ang buhay ng mga Pilipino, kayo human rights lang kayo. At yung dichotomy na yon that creates again parang two camps where you are either with me or against me. Mala George Bush noong Iraq war, hindi ba?

06:16 IAN: Mismo!

06:17 DEE: At nung 9/11. So it tells us few things about how he intends to frame his presidency and his governance na meron siyang leeway to do certain things na alam niya—abogado ‘to, si Presidente Duterte, abogado siya—alam niya labag sa karapatang pantao and yet he emphasizes na mas mahalaga kasi ito against that. So I think…

06:43 IAN: Totoo!

06:43 DEE: That’s one thing to point out.

06:45 IAN: Imaginine mo na natutuntun niya yung paghahati ng us and them

06:50 DEE: *Agrees* 

06:50 IAN:  Ta’s nag-suceed siya doon sa framing na sagabal ang mga human rights organizations especially ‘yung CHR. Isang constitutionally created body na talagang mandate niya, nakasaad sa batas yung kaniyang mga panunungkulan. At talagang nagawa niyang baluktutin ito at ipalabas na sagabal ang CHR sa mga promises and aspirations niya bilang presidente. So, I think na napaka-intensyonal ng kaniyang mensahe.

07:27  DEE: Which brings us to our original question. And in fact, I think ito ‘yung operational question: What do we do in response?

07:36  IAN: Totoo! Ano na?

07:39  DEE: *Agrees* Paano natin ‘to haharapin Ian?

07:42  IAN: Ako, marami rin akong tanong kaya gusto kung imbitahan na ang ating esteemed guest para tayo rin mismo matuto sa pinangalingan at sa mga implications pa nitong misconception na ito na ang human rights ay mga protektor at supporter at enabler ng mga kriminal.

08:06 *Music*

[su_divider]

INTERVIEW: ATTY. CHEL DIOKNO

08:12  DEE: Ayan! At bilang first episode ng ‘Yang Human Rights Na ‘Yan! ay masaya tayong napa-unlakan ng isang batikan at beteranong… beterano sa larangan ng human rights advocacy at human rights law. Kasama natin ang chairperson ng Free Legal Assistance Group, si Attorney Chel Diokno. Magandang araw po Attorney Chel!

08:34  CHEL: Hello at magandang araw at sa lahat ng nanonood at nakikinig.

08:38  DEE: Salamat po, salamat po sa pagpapaunlak at pagsama po sa amin dito sa pag-explore nung usapin ng episode na ito which is ‘yung mga kumakalat na misconceptions on human rights. Pero bago po ang lahat ng ‘yun, gusto namin kayo kamustahin, ano po yung mga ganap natin recently at kamusta po si Attorney Chel Diokno?

09:00  CHEL: Ayos na ayos naman. Nagkasakit ako nang kaunti last week pero fully recovered na ako at ready to go.

09:08  DEE: Good to hear, good to hear at lalo ngayon po lahat tayo kailangan ng energy para harapin yung mga kailangan harapin. Ang layunin ng episode na ‘to is to explore bakit nga ba maraming misconceptions ang human rights, so… sa inyo, in your own words, ano po ba pag sinasabi nating human rights? Ano po ba ang mga ito? What are we actually talking about?

09:36  CHEL: Tama ‘yung nabanggit ninyo na talagang sobrang dami ‘yung lumalabas at kumakalat na fake news tungkol sa human rights. Kung tutuusin ang ibig sabihin talaga ng human rights ay igagalang dapat natin lahat ang buhay ng lahat ng tao at syempre hindi lang ‘yung buhay kung hindi ‘yung dignidad, ‘yung dangal tao natin. Kasi hindi naman sapat na ‘yung buhay lang yung irerespeto natin kung pwede naman tayong tratuhin na bilang hayop o mas masahol pa sa hayop. Kaya sabi nga nila, tatlo lang talaga yung pinupunto ng karapatang pantao. Una, ‘yung buhay ng lahat ng tao. Pangalawa, yung dignidad. At pangatlo, yung ating karapatan na umasenso o maging maabot natin, makamit natin yung full potential natin.

Unang-una yung buhay naman natin hindi naman natin choice yan na mabubuhay tayo sa mundong ito. Wala namang nagpaalam sa atin na “Uy, mapapanganak ka.” Basta lahat naman tayo ay napanganak at depende na lang, swerte-swerte na lang kung ‘yung mga magulang natin ay may kaya o mahihirap o ano man. Ang layunin talaga ng human rights ay para mapantay-pantay ang lahat. Na kahit ikaw ay napanganak sa isang mahirap na pamilya ay dapat igagalang parin natin ang yung inyong buhay at bibigyan din tayo ng dapat ng pagkakataon na mamuhay. Kaya ‘yung unang misconception sabi nila “Oh yung human rights balewala yan, ang importante ay human life.” Ay nako, ‘yun nga ang kabaligtaran niyan, kasi ang ibig sabihin talaga ng human rights ay yung buhay ng lahat ay kailangan natin irespeto.

11:30  IAN: Ang ganda at ang linaw at ang concise po ng pagkaka-explain ni Attorney Chel Diokno and Attorney kanina lang po ay napagusapan din namin na isa rin sa mga misconceptions na naipakalat especially po nung previous administration, specifically the previous president himself sa statements niya sinabi niya na ang mga human rights organizations daw ay, human rights defenders ay mga protektor, enabler daw ng mga kriminal, ng mga syndicates. So paano po natin, iuunpack, again, siguro babasagin kumbaga itong misconception na ito?

12:21 CHEL: Unang-una ako talagang nababahala ako na at medyo nakakagalit yung mga ganoong salita. Kasi bilang isang human rights defender, halos, lampas tatlumpung taon na akong humahawak ng mga kasong human rights, ang mga nagiging kliyente ko ay mga manggagawa, magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo, at hindi naman sila mga kriminal. Kaya hindi ko ma-gets yung sinabi na puro mga kriminal na dinedepenshan daw namin, nating lahat, natin actually lahat ng mga human rights defenders at may karugtong pa yan sa palagi din nilang sinasabi bakit pagka mga pulis o yung mga sundalo ang nagiging biktima ng paglabag na karapatang pantao, tahimik lang kayo at wala kayong ginagawa. Parehong walang katotohanan yan. Unang-una, ako mismo sa loob ng tatlumpung tao ay naging…meron din ako naging mga kliyente na mga sundalo at mga pulis. Dahil sila rin naman ay maaring maging biktima ng human rights violations. Una ‘yon. Pangalawa, yung buhay natin ay hindi depende ‘yan kung ikaw ay sinasabing kriminal o hindi. Kasi marami namang sinasabi o inaakusahan na kriminal daw na hindi naman pala rin totoo.

At ang dapat lang huhusga niyan ay hindi naman tayo kundi ang husgado, ang korte, ang may karapatan at kapangyarihan na magsabi kung yung isang tao ay gumawa ng isang krimen. Kaya, ‘di ba ang sabi ng ating konstitusyon “You are presumed innocent until proven guilty.” Kaya ‘yung, kung minsan kahit na sinasabi nilang kriminal ay dinedepensahan din natin ‘yan. Dahil unang-una ay wala pa namang paghuhusga ang korte na kriminal talaga sila and everyone is entitled to their day in court. Pangalawa, kahit sabihin natin sila ay nagkasala ay tao pa rin sila at ang pagtatrato natin sa kanila ay dapat ‘yung pagkatao nila ay igagaling parin natin. Palagi ko nga sinasabi ‘to. Pag mayroong nagkakasala ang dapat na punishment diyan ay doon sa action na ginawa niyang masama, hindi mismo sa pagkatao niya. So, let’s say, halimbawa lang ‘yung ewan ko kung naalala niyo nung mga lockdown, may mga kabataan na nag-violate ng curfew. Tapos nilagay pa naman sila sa kulungan ng aso.  Labag sa karapatang pantao yan. Tama lang na may parusa sila kung talagang lumabag sila sa curfew pero hindi naman na dapat ilalagay sila sa kulungan ng aso dahil tao ‘yan at nakakalabag nga sa dangal tao ‘yung ganoong mga klaseng mga punishment. Kaya ‘yun ‘yung magandang pinag-uusapan natin para maiklaro natin kung ano ba talaga ang fake news at ano ‘yung katotohan tungkol sa human rights.

15:27  DEE: Kung kayo po ang tatanungin, bakit po sa palagay ninyo ay lubhang kumalat o lumalim yung ganitong pagtingin sa human rights mismo bilang konsepto at sa mga advocates at defenders ng human rights at mga human rights organizations?

15:46  CHEL: Well, doon sa mga nadadala lang palagay ko hindi kasi nila nauunawan yung ginagawa talaga ng mga human rights defenders pang araw-araw. Pero doon sa mga kumakalat niyan, yung talagang sadya nilang pinagkakalat na itong mga fake news na ito, tingin ko may mas malalim na dahilan yun. Kasi ang ibig sabihin ng human rights pagka kinilala natin at pinorotekta natin ang karapatang pantao halimbawa ng mga magsasaka o mga katutubo, ineempower natin sila. Binibigyan natin sila ng kapangyarihan at boses sa lipunan natin at may mga sektor sa atin, may mga tao sa atin ayaw nila yan. Kasi ang gusto nila yung taumbayan ay tumahimik na lang at sumunod nalang ng sumunod. Pero hindi naman tayo ganoon dahil nasa ilalim tayo ng isang demokrasya at ang talagang objective ng isang demokrasya ay maiaangat ang buhay ng lahat, lalong- lalp na yung mga nasa laylayan ng ating lipunan.

16:54  DEE: Mukhang sinasadya ano po yung pag-distort talaga ng pagkaunuwa ng tao sa karapatang pantao. Parang ang sense namin at analysis sa PhilRights ay ginagawang…gumagawa ng false dichotomy na ang human rights ay parang balakid, hindrance to national development na puro kayo human rights, unahin natin ‘yung pag-unlad ng bansa. May mga ganoong narrative na namumutawi from the statements and also ‘yung policies din ng nakaraang administrasyon. Ano po yung palagay ninyo dito?

17:35  CHEL: Tama yon at actually may isa pang dahilan kung bakit nila pinupush yan, na minamaliit nila ang human rights dahil kung tutuusin ang paggalang sa karapatang pantao ay isang paraan ng pananagutan ‘yan at meron sa atin, lalung-lalo na ‘yung ibang nakapwesto diyan na ayaw nila ng accountability. Ayaw nilang managot doon sa mga katiwalian na nakikita natin. Kaya sa akin very… napakahalaga ng konsepto ng karapatang pantao doon nga dahil sa dalawang bagay na iyan. Na ‘pag kinilala natin, ‘pag kinilala ng pamahalaan ang human rights, magkakaroon tayo  ng accountability. At ang pangalawa ay yung mga nasa marginalized sectors natin ay maeempower sila. Ang nakakalungkot may mga ibang tao na ayaw nila and yet alam natin ayun ang tama.

18:35  DEE: Sa mga social media pages natin madalas tayong nakakabasa ng mga comments, attacking human rights as a concept. Ongoing ‘yung conversation, paano ba magrerespond sa mga ganitong komento online and also in person when we interact with for example family members, or friends, or workmates na may ganitong pagtingin. Sa inyo po… sa inyo pong palagay, how should we respond?

19:08  CHEL: Well, kung minsan nagiging emotional din tayo dahil ‘di ba malapit tayo doon sa issue nitong human rights. Ang advice ko sana sa lahat ay syempre wag natin sila aawayin kasi ‘pag inaway natin sila lalo pang titindi yung divide at minsan diba nakaka-tempt talaga.

19:32  IAN: Totoo.

19:33  CHEL: Na magagalit tayo ganon. Tingin ko ang mas magandang approach ay hanapan natin ng common ground. Ako mismo sa pagtuturo ko ng human rights sa halimbawa sa College of Law at sa iba’t ibang mga workshop, palagi ko ‘tong sinasabi na isipin niyo kung ang mundo natin ay walang human rights, edi kung walang human rights na kinikilala kung hindi ko gusto yung mukha mo pwede kitang barilin o patayin… pwede kitang gawing hayop lang. Lalagyan kita ng kadena sa leeg at sasabihin ko “Mula ngayon, aso na ka nalang.” Pwede na kitang hindi pakinggan at pwede na idiscriminate on the basis on gender or sexual preference or kung ano man. At pag ka naisip nila yon, doon lang nila narerealize na oo nga, ‘yun talaga ang nagbibigay ng pagpapatas-patas talaga sa lipunan natin ay ito mismong konsepto ng human rights. Kung wala tayong human rights, edi yung mga malalaking tao diyan ay talagang wala nang pananagutan yan.

20:38  IAN: Ang ganda, ang ganda noon Kuya Dee nung sinabi ni Attorney kasi parang mahalaga rin po talaga yung pagiging creative sa pakikipag-usap sa mga tao. Yung mga communication skills actually ang ganda nung word po na common ground kasi nagkakaroon ng espasyo yung isa’t isa na maging empathetic.

21:06  CHEL: Actually, kung titingnan natin yung sitwasyon ngayon parang nagkaroon tayo ng kunting pag-regress pagdating sa human rights kasi ‘di ba kung babalikan natin ‘yung ating kasaysayan nung panahon ng diktadurya talagang walang human rights noon, hindi kinikilala ‘yung karapatang pantao. Tapos nung dumating ‘yung bagong konstitusyon natin, dumating yung EDSA, halos kabuuan ng ating saligang batas ay talagang nakabase sa karapatang pantao. At noong dumaan ang mga taon, unti-unti na natin talagang naipapasok sa mga institusyon natin ‘yung paggalang sa human rights.

Nung mga bago mag-2016 naalala ko pa noon pati kami sa FLAG at iba’t-ibang mga grupo, kami na mismo ang nagte-training sa PNP at tiyaka sa AFP pagdating sa human rights. Kaya noong time na ‘yon talagang masaya kami napupush natin ‘yung human rights at nagiging bahagi na siya ng pagtakbo ng ating PNP at AFP. ‘Yun lang dahil sa nakaraang administrayon lahat ‘yon nawala. At pati mismo yung konsepto ng karapatang pantao ay nilait ng hindi lang ng ibang mga opisyal kundi ‘yung pinakamataas na opisyal natin sa executive department. Kaya ako challenge sa atin lahat sa human rights community na maibalik natin sa yung medyo mataas sa tingin sana ng tao pagdating sa human rights. Ang gusto ko i-suggest sana diyan, ay unang-una sana maintegregate natin ito sa basic education para habang nasa young stage pa yung mga kababayaan natin ay matuto na sila kung ano ba talaga ang ibig sabihin at ano yung kahalagaan ng human rights. Pangalawa, yung lahat ng institusyon natin lalung-lalo na pagdating sa law enforcement ay dapat maipasok o maisaloob na nila sa kanilang mentality at mindset na lahat tayo ay pare-parehong lamang tayo, magkakapatid lang naman tayo. Magkasala ka, edi sige, full force of the law yan pero ang trato pa rin natin sa isa’t isa ay bilang tao dapat. 

23:38  DEE: Sa karanasan natin bilang… ‘yung nga human rights defenders and I am sure si Attorney Chel feels the same na makakaramdam ka ng pagod at frustration at nagugulumihanan ka na “Ano pa bang kulang? Ano pa bang kailangang gawin?” At may ilan nga tayong nakakausap din na, nag-eexpress na parang nakakawala ng gana. So kung mayroon man nakikinig sa atin ngayon Attorney Chel, makikinig dito sa episode na ito who feels something like that na parang napapagod na sa pagsusulong, sa pakikipag-usap sa mga tao, sa pagpapasensiya, sa pagpapaliwanag, ano po yung pwede natin sabihin sa kanila?

24:25  CHEL: Alam ninyo  kung titingnan natin ‘yung ating kasaysayan lalung-lalo nung panahon ng diktadurya ay ‘yung mga human rights defenders sila ‘yung mga unang nanindigan para sa ating kalayaan at demokrasya. Lalung-lalo na yung mga unang taon ng Martial Law, takot lahat ng tao at kumbaga sobrang napakadilim talaga ng sitwasyon. Pero may nanguna, may mga ilan-ilan lang na tumayo para sa human rights at sila ‘yung nagsilbing parang kandila sa kadiliman. At nung una ilan lang ‘yan, maya’t-maya ay dumami na hanggang sa umabot na sa sitwasyon na naging… lumiyab na yung pakikipaglaban para sa ating demokrasya. At sana ‘yung mga ibang medyo nawawalan ng pag-asa o nawawalan… napapagod na ay alalahanin natin ‘yung nangyari noon. We can all serve as beacons of light and tingin ko lang ‘yung human rights defenders para tayong mga tagapag-alaga ng liwanag and sa akin very inspiring yon na ituloy natin yung ginagawa natin.

25:46 IAN: Ang ganda. I super agree Kuya Dee and Attorney. So kumbaga yung element or ‘yung act of remembering ‘yung mga struggles and victories especially nung very dark times nung Martial Law ay napakahalagang component in continuing and sustaining the human rights movement and advocacy. So ang ganda rin po nung transition nung… nung sagot po ninyo kasi bilang last question na rin po sa ating interview: ano po kaya ang inaasahan natin or ninyo po pagtungkol sa human rights mula sa bagong administrasyon?

26:32  CHEL: To be realistic about it, sa tingin ko wala tayong gaanong maaasahan sa kasalukuyang administrasyon pagdating sa pagsusulong ng karapatang pantao. Ang dapat aasa tayo sa sarili natin at sa mga grupong lumalaban para sa karapatang pantao. At tingin ko ‘yung challenge sa atin ngayon ay dumami pa tayo at mahikayat natin yung iba nating mga kababayan na sumama sa atin sa paninidigan para sa ating buhay, sa ating dignidad, at sa ating pag-unlad.

27:10  DEE: Kinikilig ako doon sa last line.

27:12  IAN: Oo nga, ako rin. 

27:15  DEE: Na kailangan, mag-grow tayo ng ranks at magparami, maghikayat, magpatuloy makipagusap. So Attorney Chel, before we wrap up this interview, can we ask you if there’s anything you’d like to promote or advocate for, like an upcoming activity or event ng inyong organisasyon?

27:37  CHEL: Ano lang, actually every week nagkakaroon ako ng show sa FB at saka sa YouTube tuwing Biyernes. Ang pangalan ng aming show ay “Free Legal Help Desk.” So tuwing Linggo mayroon kaming pinipiling topic, halimbawa mamayang gabi ay paguusapan namin ay mga illegal dismissal. Yung isang linggo ang pinagusapan naman namin yun no contact apprehension policy. Kaya kung may mga interesado sa mga isyung legal tulad niyan, usually meron din akong mga guest na mga abogado rin. At kung mayroon kayong katanungan sa chosen na topic ay ine-entertain namin at we do our best to answer those questions. Nasa FB live at sa cheldiokno.com, ma-access niyo yan.

28:30  DEE: And I know Attorney Chel also has very lively Twitter account. Lagi akong natutuwa pag may tweet si Attorney Chel.

28:40 IAN: Totoo.

28:40 DEE: Nababasa, so para po kayong liwanag doon sa gulo sa Twitter so thank you for that as well. Kung hindi ninyo pa finofollow si Attorney Chel sa Twitter, please follow him there as well.

28:51 *Music*

28:53  DEE: Marami pong salamat at sa inyong oras and we hope to invite you again next time kasi marami pa po na magandang usapin na dapat nating i-explore. Dito sa usaping ng karapatang pantao.

29:08  CHEL: Thank you also! Salamat sa PhilRights

29:10  *Music*

[su_divider]

COMMENTARY

29:14  IAN: Grabe Kuya Dee, napakaganda ng interview with Attorney Chel, buong time starstruck lang ako. At para akong bumalik sa pagkaestudyante, nagte-take notes lang ako nang nagte-take notes sa napakagandang mga sinabi niya. Parang drop mic lagi yung mga statements nung mga sinasabi niya. Ang ganda!

29:38  DEE: Totoo, if anything napasimple niya yung task natin this episode because—

29:46  IAN: Mismo.

29:46  DEE: He was able to explain very concisely ‘yung mga kanina pa nating pinag-uusapan earlier on the episode.

29:52  IAN: Totoo. 

29:53  DEE: But in such a way na I feel like kahit sino basta bukas ‘yung isip mag-aagree, sasang-ayon. I think that’s one of his strongest points as well during the interview na vital ‘yung patuloy na pakikipagusap kahit gaano tayo katempted na makibardagulan—

30:11  IAN: Totoo.

30:12  DEE: Mang-away. May paalala sa atin si Attorney Chel na may value pa rin talaga yung paghahanap nung common ground.

30:20  *Music*

AD BREAK

30:25  IAN: Alam mo na ba ang ating mga batayan karapatan? Alam mo na ba ang gagawin kapag bigla kang inaresto o biglang nagkaroon ng search operation sa inyong bahay o opisina? Kung hindi pa, nandito na ang ating primer na “Know Your Rights.” Nilalaman ng Know Your Rights primer ang ating mga batayang karapatan. Nakapaloob din dito ang mga dapat gawin kapag ikaw ay inaaresto, naaresto, o hinalughog halimbawa ang inyong bahay o opisina. Ang primer na ito ay iniakda ng Free Legal Assistance Group o FLAG, isinalin at dinisenyo ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ, at inilimbag sa tulong ng Philippine Human Rights Information Center o PhilRights. Komprehensibo at malinaw na pagkakasulat ang Know Your Rights primer ang magsisilbing gabay para hindi malabag ang ating mga karapatan sa anumang sitwasyon. Makipagugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya dito sa info@philrights.org. Yan ay “info@philrights.org.” Available ang primer sa wikang Filipino at Cebuano. Back to the episode.

AD BREAK ENDS

31:40 AUDIO CLIP [PAT]: So I think the past administration had a lot to do with twisting the concept of human rights. Making the public see this negatively na parang it’s not something good anymore. For them kasi the end justifies the means. As long as they achieve their idea of change, ‘di ba nga “Change is coming” nga raw, human rights don’t really matter that much. For them human rights are sort of an obstacle to progress and development. The past administration’s actions gave the people the idea that human rights are just words na parang wala lang at nandoon lang sila, you know na parang wala silang meaning. Instead of being something that’s for the people, it’s now an obstacle to the change the government wants.

32:22  DEE: Ayan, we just heard from Pat, isang estudyante mula sa isang unibersidad sa Maynila. And what she talked about, that is a nice concise way to summarize ‘yung usapan nating ngayong episode na ito. And paano naman doon sa tanong naman, na bakit puro kriminal ata yung naalala niyo? Bakit ba puro, puro laging sa kriminal lang kayo concerned? I think a lot of the sentiment behind this is rooted doon din sa kakulangan ng kaalaman doon sa tinatawag nating rights relationship. So halimbawa, ang daming comments sa CHR na “Nasaan ang CHR nung naganap yung ganitong krimen sa ganitong lugar? Bakit hindi ito ang imbestigahan ng CHR?” So maa-address natin yan by explaining the rights relationship na tinatawag.

33:18  IAN: Tama!

33:18  DEE: So, classically may dalawang partido diyan sa karapatang pantao. Una ‘yung duty bearers. Pangalawa yung rights holders. Unahin natin si duty bearer. Si duty bearer, ito ay ang Estado, the State itself and everybody who is a member or part of the State. Meaning mga kawani ng pamahalaan which represents the state… interes ng mamamayan. So ibig sabihin mula presidente hanggang sabihin natin barangay tanod, lahat sila ay kawani ng gobyerno at maituturing natin na duty bearers. Ang pangalawang partido ay yung rights holder. Ang rights holder ay tayong lahat na mamamayan. Tayong mga citizens by virtue of being human beings, we possess human rights. So we are rights holders. So ang tanong, eh ‘di ba tao din naman ‘yung mga kawani ng gobyerno.

34:21  IAN: Oo nga paano iyon?

34:21  DEE: Obviously, kawani ka man ng gobyerno o hindi mayroon kang karapatang pantao.

34:27  IAN: Tama, tama!

34:25  DEE: Pero by the fact na kawani ka ng gobyerno mayroon kang obligasyon na irespeto, protektahan, at tumulong i-fulfill ‘yung human rights na mga mamamayan. At nagkakaroon ng problema kapag ;yung mga duty bearers, mga bahagi ng Estado ay gumagawa ng mali o nang-aabuso. Ito ‘yung tinatawag natin na human rights violation. Pero ginagawa rin yan ng mga pang-karaniwang mamamayan, isang citizen na gumawa ng krimen—ang tawag doon, krimen. 

35:05  IAN: Tama!

35:05  DEE: So ‘pag tinatanong “Nasaan ang CHR sa krimen na ito?” pwede kasing sabihin na hindi nila kasi mandato ang mag-imbestiga ng isang ordinaryong krimen sa pagitan ng isang citizen at isa pang citizen. ‘Yan ang trabaho ng law enforcement. At yung pag-prosecute dito at pagpapapataw ng karampatang hustisya ay sa justice system. So hindi mo hahanapin ang CHR sa isang ordinaryong krimen, ang hahanapin mo ay ang law enforcement.

35:41  IAN: Sana malinaw sa atin, sa ating lahat, sa ating tagapakinig yung difference ng krimen sa human rights violation at kung sino ang dapat na maghandle kapag human rights violation ang nakamit at kung krimen ang nakamit.

36:00 *Music*

AD BREAK

36:07   IAN: Uy! Bata-bata alam mo ba may K ka? Tara alamin at angkinin mo na ang K mo dito sa “Batang May K.”  Isang comics tungkol sa karapatang ng mga bata, inilathala ng Philippine Human Rights Information Center o Phil Rights kinukwento ng comics na ito ang karapatan ng mga bata. Samahan natin si Maya at Macmac sa kanilang kwentuhan sa ating mga karapatan  at kung paano natin itataguyod, proprotektahan, at mabibigyan katuparan sa ating lipunan. Maliban sa makulay na comics, may kasama din itong poster na pwede ipaskil sa ating mga komunidad at paaralan. Makipagugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya ng comics at poster dito sa info@philrights.org. Yan ay info@philrights.org. Yayaiin ang mga kapatid, magulang, mga kapit-bahay at mga kalaro para sama-sama nating itaguyod ang K ng mga bata. 

AD BREAK ENDS

[su_divider]

CLOSING SEGMENT

37:07 *Music*

37:07  DEE: Let’s hear from Pat again kung paano tayo bilang lipunan makikitungo o dapat trumato sa mga taong nabansagang kriminal.

37:22  AUDIO CLIP [PAT]: For those in jail, dapat namI-meet pa rin ang basic human rights nila, basic needs like food, water, health care. For those na napagbintangan, dapat tinitreat sila as innocent until proven guilty. For me, anyone and everyone, no matter their background and what they may or they may have not done, should be treated with the respect and as human beings.

37:43  IAN: Ayan, tama, tama! Ang ganda nung mga sinabi ni Pat, ano? Kaya nga dapat yung mga kulungan natin, hindi siya parang kulungan ng… ng mga aso or mga hayop. Kasi kapwa tao natin ang mga nandiyan, kaya kailangan yung mga basic needs, basic conditions, adequate standards of living ay ito… ito ang dapat pamantayan ng kalidad ng mga kulungan natin dahil ang mga kriminal ay kapwa tao din tulad natin. So ikaw ba Kuya Dee, anong, ano ang take-away mo?

38:19  DEE: Sa, narinig natin mula sa contribution ni Pat at sa interview kay Attorney Chel na-amaze din ako na, isang beteranong human rights lawyer, isang estudyante, pareho ng ideya na sa huli’t huli respeto at huli’t huli pantay na pantay na pagtingin. And I think kung mayroon tayong gagamitin na sabihin na natin na message kapag meron sa ating nagquequestion tungkol sa halaga ng karapatang pantao sabihin natin na doon pa rin talaga ‘yun mag-uugat: paano ba natin itrato ang isa’t-isa at paano bilang bahagi tayo ng lipunan dapat tayo ay tinatrato ng mga nasa kapangyarihan dahil iyon ang magdidikta kung ano ang kalidad ng buhay na mayroon tayo at ano ang kalidad ng buhay ng mga mahal natin sa buhay. At kung ayon ang ating pundasyon ng pang-unawa sa karapatang pantao, palagay ko, pakiradam ko mababawasan siguro yung pag-aaway tungkol dito. Mababasan siguro yung pagkapit ng mga tao sa misconceptions na nailatag natin kanina.

39:40  IAN: Ayan, I completely agree sa mga take-away ni Kuya Dee. Sa akin naman gusto ko balikan ‘yung main question ng episode 1, protektor ba ng mga kriminal ang human rights organizations and defenders? Yes, pero protektor din ba sila ng mga duty bearers, ng mga militar, ng mga pulis, at kung sinu-sino pang miyembro ng pamahalaan. Yes, bakit? Dahil lahat tayo ay tao, lahat tayo ay may karapatan na dapat maprotektahan at maitaguyod.

40:09  DEE: And, on that note we would like to close this episode. Unang episode ng ‘Yang Human Rights Na Yan! at hopefully umpisa ng isang mayamang paglalakbay tungo sa pagpapalalim at pagsasapuso pa ng mga konsepto at kwentuhan tungkol sa human rights at sa social justice.

40:28  IAN: Tama, tama!

40:28  DEE: Sana ‘yung mga bago nating tagapakinig ay may napulot at mayroon sanang magamit sa kanilang pagsusulong din ng human rights sa kani-kanilang mga circle. Kung mayroon kayong tanong, comments, suggestions, para sa mga darating na episodes, mga gusto ninyong pag-usapan o matututunan, let us know. Mag-email kayo sa amin at philrights.usap@gmail.com. That is philrights.usap@gmail.com. And like I said sana makasama namin kayo sa susunod nating episode. Ian ano ba yung pag-uusapan natin sa episode 2?

41:06  IAN: Ayan, salamat Kuya Dee. Para sa susunod na episode, susubukan nating sagutin ang isa sa mga sumikat na memes sa social media: But the point is, “Need pa bang picturan?” Kaugnay nito pag-uusapan din natin ang resibo culture nating mga Pinoy, mga positibo at negatibong aspeto nito at kung paano nga ba natin ito iko-connect sa mas malawakang usapin ng accountabilty o pananagutan. So mayroon po ulit tayong mga special guests na sasamahan tayo dito kaya hopefully makasama namin kayo sa susunod na episode ng ‘Yang Human Rights na Yan! Bye! Kita-kits!

41:44  DEE: Kita-kits! Paalam!

41:46  DEE This podcast is a production of the Philippine Human Rights Information Center and the Philippine Alliance of Human Rights Advocates. Check out our show notes for links to our socials. For this episode transcript and links to resources and further readings, visit philrights.org. Our research producer is Andre Que, artwork by Lia Snyder.

Want to learn more about this episode’s topic? Check out these resources

Atienza, M.E.L. (2019). Chronology of the 1987 Philippine Constitution. https://www.idea.int/sites/default/files/publications/chronology-of-the-1987-philippine-constitution .pdf 

Besson, S. (2015). The Bearers of Human Rights’ Duties and Responsibilities for Human Rights: A Quiet (R)evolution. Social Philosophy and Policy, 32(1), 244–268. https://doi.org/10.1017/s0265052515000151 

Marks, S. P. (2014). Human Rights: A Brief Introduction. Working Paper, Harvard School of Public Health. http://nrs.harvard.edu/urn-3:HUL.InstRepos:23586712 

Nacional, K., Manalo, R., & Tabilog, L. (2016). Jose W. Diokno Life. https://Docshare.Tips/Jose-w-Diokno-Life_574aed22b6d87f15448b4b52.Html#. 

Leave a Comment Using Facebook