by PhilRights Staff

This is a transcript of season 1 episode 3 of ‘Yang Human Rights Na ‘Yan, PhilRights’ podcast on human rights and social justice. Listen to the episode on Spotify or Apple Podcasts.

OPENING SPIEL

00:00  *Music*

00:06 DEE: Welcome back sa ‘Yang Human Rights Na Yan! Ang podcast ng Philippine Human Rights Information Center o PhilRights. Ito ang podcast kung saan pinaguusapan natin ang mga isyu na tagos sa sikmura—mga isyung mahalaga sa Pilipino at sa Pilipinas, lalo na kung patungkol sa human rights at social justice. Ako muli si Dee at kasama ko pa rin ang aking co-host na si Ian. Sa episode na ‘to, tutukan natin ang isang buzzword at konsepto na padalas na padalas nating naririnig: at ayan ang oligarchy. Ano nga ba ang oligarchy at sino ang mga oligarchs? Ano ang connect nila sa mga pang araw-araw nating buhay? Malaman itong episode kaya masuwerte tayong kasama natin ang isang eksperto. Walang iba kung hindi ang Chair ng Department of Political Science ng University of the Philippines Diliman, si Professor Aries A. Arugay.

01:02 *Music*   

01:12 DEE: Hello at isang mainit na welcome sa ating mga listeners. Hello rin sayo Ian, kamusta?

01:17 IAN: Hello Kuya! Ayan, okay naman ako at actually nangangati ako, Kuya. 

01:23 DEE: Bakit ka nangangati Ian?

01:25 IAN: Nangangating makilahok. Kasi alam mo yung ending ng episode two very empowered ako. Actually ang ginawa ko pag-uwi, sinearch ko kaagad yung FB group ng LGU namin. 

01:37  DEE: *Agrees*

01:37  IAN: Gusto ko makita kasi kung mayroon ba doon ‘yung mga binanggit ni Kuya Ely na mga barangay development councils, people’s organizations. Kasi ayun, nangati ako makilahok, nangati akong… na-encourage akong magparticipate at makita nga ba kung nagagawa ng mga barangay officials namin ‘yung dapat nilang gawin.

01:56 DEE: ‘Yan! So doon sa mga hindi pa nakakarinig ng episode two, doon namin pinagusapan ang accountability at—

02:02  IAN: Yes!

02:02  DEE: ‘Yung perspective ng human rights pagdating sa accountability bilang prinsipyo at dapat practice ng lahat, lalo na ng mga government officials. 

02:11  IAN: *Agrees*

02:11  DEE: So sa mga hindi pa nakakarinig ng episode two, pwede niyong balikan yung discussion na ‘yon. Kasi malaman sabi nga ni Ian!

02:18 IAN: Sobra, sobra!

02:19 DEE: Pero itong episode three natin—I bet mageenjoy ka rin kasi sa episode na ‘to, pag-uusapan natin ang isang salita na madalas nakikita ngayon sa mga comment section. 

02:32 IAN: Nako, ayan!

02:32 DEE: And pansin mo ba, the past few years, padalas na padalas nating… lumilitaw, napapansin at lumilitaw itong term na oligarchs.

02:44 IAN: Oo kuya, itong word na ito actually nagdudugo pa rin ako

02:47 DEE: *Laughs*

02:47 IAN: Kahit lagi ko siyang naririnig, nagdudugo parin yung ilong ko kasi termino siya na thrown around with other jargons.

02:54 DEE: Oo.

02:54 IAN: Honestly, jargon siya para sa akin.

02:56 DEE: Totoo!

02:56 IAN: Kahit nakapag-aral ako, nakapagtapos ako. Jargon pa rin siya para sa akin kasi kasama niya yung mga salitang plutocracy. Kasama niya yung mga salitang political dynasty, crony. Naghahalo-halo siya sa utak ko. And I think na mahalaga na madefine natin and ma-differentiate siya sa isa’t isa at kung paano siya… ‘Yun yung mga gustong madiskubre sa episode na ito.

03:19 DEE: Sige. Subukan natin i-explore. Sa akin kasi kapag na-eencounter ko ang term na oligarchy ang naiisip ko, itong mga mayayaman ‘to. Mga makakapangyarihan—sila ‘yung may hawak ng power sa lipunan. Ikaw ba ano, top of mind? Ano yung interpretasyon mo sa terminong ito kahit jargon siya, sabi mo nga? 

03:42 IAN: Namamayani ang iilan. And I think very apparent siya sa estado natin, sa pamahalaan natin, sa lipunan natin na mga iilan ang makakapangyarihang mga tao. Mga mayayaman na… gusto ko nga sabihin na very detached doon sa direct at tunay na experiences ng mga mamayanan.

04:05 DEE: Sige, siguro for most of us, ang encounter natin sa term na oligarchy, at least the past few years, mga patutsada mula mismo sa dati nating presidente.

04:17 IAN: Actually, oo nga! Oo!

04:18 DEE: For example, let’s take this audio clip from one of his public addresses.

04:25 *Audio Clip* RODRIGO ROA DUTERTE: Ito ‘yung mga tao na kinukuha yung yaman ng ating bayan. Wala namang ginagastos kung hindi mga laway nila at connection. And they got most of the concessions, the franchises that is given freely through money, through influence, and sheer greed kasi meron sila.

04:57 DEE: ‘Yan! We just heard from the former president Rodrigo Duterte

05:02 IAN: Jusko!

05:02 DEE: That was early on in his term, a few months into his presidency and sa research natin isa ito sa mga unang instances na binanggit niya ‘yung terminong oligarchs at oligarchy.

05:16 IAN: Tama ba Kuya, SONA ‘ba to o inuman? Para akong nakinig—

05:19 DEE: Ang hirap i-distinguish!

05:20 IAN: Para akong nakinig ng inuman!

05:21 DEE: And doon sa mga sinabi niya, maraming pwedeng i-unpack. 

05:26 IAN: Oo, jusko!

05:26 DEE: In fact, nagbigay siya ng working definition niya ng sino ba ‘yung mga oligarchs. Pero feeling ko before we get ahead of ourselves at makadagdag lang sa ingay at confusion sa term na ito. Ayun yung i-establish nating goal for this episode na—

05:45 IAN: Ano ba?

05:45 DEE: Let’s clarify the term oligarchy, para mas precise ‘yung mga paggamit in the future. Para mas tama rin ‘yung ‘pag ginagamit siya, mas accurate tayo sa totoong definition niya and baka dahil doon mas klaro din yung diskursong kalalabasan. And maganda rin siguro, i-explore natin ano pa ‘yung mga ways na nakakaapekto ang oligarchs— 

06:13  IAN: Yan, yan totoo!

06:14  DEE: Sa pang araw-araw nating buhay. Kasi I think ayun naman talaga dapat nating linawin at intindihin.

06:21  IAN: Ayan, sino ba ang guest natin Kuya Dee?

06:22  DEE: Iyon, buti nalang napagbigyan tayo ng actual expert…

06:27  IAN: Wow!

06:27  DEE: So isa sa mga primerong political scientist sa bansa ang naimbitahan natin ngayong episode

06:32  IAN: Oo

06:32  DEE: Walang iba kung hindi ang department chair ng Department of Political Science ng UP Diliman

06:38  IAN: Wow, OMG!

06:39  DEE:  Si Professor Aries A. Arugay!

[su_divider]

06:43 *Music*

06:48 DEE: Ayan and to help us explore yung concept ng oligarchy at tamang paggamit niya sa diskurso and explore how it affects all of us, yung pang araw-araw nating pamumuhay, kasama natin ang isang political scientist at dalubguro, ang Department Chair ng Department of Political Science ng UP Diliman at editor-in-chief ng Asian Politics and Policy

07:17  IAN: Wow

07:17  DEE: Walang iba kung hindi si Professor Aries Arugay! Magandang hapon po and thank you for joining us.

07:22  ARIES: Magandang hapon, Dee, magandang hapon, Ian! Maraming salamat sa imbitasyon at maganda ‘tong topic ninyo at sa tingin ko maraming matutunan ang inyong mga taga-subaybay sa ating diskusyon sa hapon na ito.

07:41  DEE: With you po as our guest, I’m sure marami talaga and feeling estudyante kami ni Ian ngayon!

07:48  IAN: Oo! Kami rin.

07:49  DEE: But at that same time, gusto namin na sana maidikit natin sa, sa sikmura ng mga nakikinig sa atin ‘yung mga diskusyon. Maganda siguro if we start, sa inyo po ba paano ninyo po ipapaliwanag ang oligarchy?

08:09  ARIES: ‘Yung termino na oligarchy o pwede nating sabihing oligarkiya. Dalawang salitang ito na ang roots ay sa wikang Griyego or Greek, ‘yung words na ito ang ibig sabihin ay pamumuno ng mga mayayamang iilan. 

08:30  IAN: *Agrees*

08:30  ARIES: So, dalawa yung importanteng kondisyon para matawag ang isang sistema ng pamamahala bilang isang oligarkiya. Unang-una, kakaunti lamang ang may hawak ng kapangyarhang politikal. So meaning, naka-concentrate ito sa iilan. 

08:55  IAN: *Agrees*

08:55  ARIES: At pangalawa, itong iilan na ito ay hindi lamang basta-basta mga tao ngunit sila ay mayayaman. So sa akin, kunyari, sa ordinaryong Pilipino pag aking ide-describe ang oligarkiya, ito ay isang uri ng pamahalaan o uri ng isang rehimen kung saan ang mga namumuno ay ang illan na mayayaman lang.  

09:20  IAN: So para ilatag naman sa mga listeners. Inugat ninyo po yung etymology—sa konteksto naman po ng Pilipinas, ano po kaya yung historical context or historical roots ng oligarkiya sa Pilipinas po natin?    

09:32  ARIES: Sige, Ian, pero bago tayo pumunta sa bansa natin kasi… kalat itong uri ng pamumuno o pamamahala na ito. 

09:45  IAN: *Agrees*

09:45  ARIES: At siguro na maganda… idikit natin siya bakit… bakit may oligarkiya sa isang demokrasiya? So, ‘yung unang nag-aral ng iba’t ibang uri ng gobyerno o pamahalaan sa kasaysayan sa political science ay yung Griyegong pilosopo na si Aristotle. At… at nilagay niya yung oligarkiya sa mga uri ng pamumuno na tinatawag niya na masama. Bakit niyang sinabi, bakit niya nilagay ‘yon doon? Kasi ‘yung mabuting version ng oligarkiya para sa kaniya yung tinatawag nating aristocracy. 

10:32  IAN: OK.

10:32  ARIES: Ibig sabihin nito, ang namumuno kakaunti lamang ngunit ito yung mga pinakamagagaling na tao. 

10:39  IAN: I see.

10:39  ARIES: OK. So ‘di ba ‘pag sinabi, aristocrat, ibig sabihin di lamang ‘yung restaurant pero ‘yung idea dito yung… ito ‘yung mga excellent men. Noon naman, wala namang babaeng namumuno. So excellent men, sila ‘yung mga may intellectual competence, may skill, mayroong training sa pamumuno. Sila… kung sila yung namumuno— 

11:02  IAN: *Agrees*

11:02  ARIES: Ang tawag doon aristocracy. Ngunit, kung ang iilan na ito at karaniwan sa kanila mayaman, para kay Aristotle kasi nagiging masama ang isang uri ng pamumuno kung ang layunin lamang nito ay i-advance yung interes nila at hindi interes lang ng lahat. Sa aristocracy kasi kahit iilan ‘yung, kakaunti lamang ‘yung namumuno dahil excellent sila at sila ay trained para mamuno. ‘Pag namuno sila iisipin sila yung pangkalahatang kabutihan. Sa oligarchy kasi kaya tinawag ni Aristotle na masama dahil onti lamang yung namumuno at sila pa ‘yung mayaman ngunit ang layunin lamang nila ay para lalo pang yumaman— 

11:53  IAN: *Agrees*

11:53  ARIES: At magpakayaman at gawing busabos ang lipunan. Therefore, ang oligarchy kay Aristotle, hindi ‘yan nararapat na sistema. Hindi niya ‘yan nire-recommend ngunit sa kasaysayan ng pulitika sa buong mundo throughout the centuries naging common type of regime or government ang oligarkiya kasi itong marriage ng economic at political power ay hindi maiiwasan sa kasaysayan ng sibilisasyon ng mga lipunan. 

12:28  IAN: *Agrees*

12:28  ARIES: Kahit saan ka magpuntang bansa, kahit ‘yung may pinakademokratikong sistema na mayroon tayo sa kasaysayan and even at the present, may elemento ng oligarchy. Kaya nga, may isang French political scientist, he came up with a law, parang  ‘di ba sa physics may law of motion. Sa political science, si Robert Michels, he coined the term “Iron Law of Oligarchy.” 

13:04  IAN: Wow. 

13:05  ARIES: Ang ibig sabihin nito, hindi lamang siya batas, batas na pinanday ng bakal. Ibig sabihin, it’s perpetual. Ang sinasabi niya, sa lahat ng uri ng organisasyon, lalo ng mga organisasyong pampulitikal tulad ng mga political parties, kahit gaano kamasa ang kabuuan nito, ito ay nagiging oligarkiya sa bandang dulo kasi yung kapangyarihan, nako-concentrate sa iilan. And of course, sa Pilipinas hindi ito naging exception.

13:48  DEE: So ako, Ian, napipick-up ko na ‘yung ilang defining features. Una, ‘yun nga, wealth vis-a-vis power. Tapos, pangalawa, nabanggit kani-kanina lang ‘yung by the virtue of holding power, may exclusion na nangyayari and may concentration ng power sa iilang tao. Dito po sa Pilipinas, ano po ‘yung napansin ng mga academics, mga nagaaral sa oligarkiya sa Pilipinas, mga distinct features dito sa Pinas ng oligarkiya?

14:24  ARIES: Isa sa mga ginagamit kong libro para ituro ang… ang oligarkiya ay sinulat ng isang American political scientist, si Jeffrey Winters, na ang pangalan ng libro niya ay actually Oligarchy, yun lamang, isang word lamang. At ang sabi niya doon, dinagdagan niya nang kaunti yung definition ng isang modern oligarchy, kasi ‘yung oligarchy na “rule of the few that, who are rich” panahon pa ng ancient Greeks ‘yun ‘di ba. So in modern times, dinagdagan yon ni Winters at sa tingin ko ito yung pinakakumbinsido ako na naglalarawan ng mga kasalukuyang manipestasiyon ng oligarchy. Sabi niya, ang layunin ng isang oligarchy is ang pamumuno ng kakaunting mayayaman para depensahan ang kanilang yaman. Kasi pwede ka namang mayaman, namumuno ka, pwede naman ang layunin mo ay… ay mabuti o kaya nakakabuti sa lipunan. Let’s say you are benevolent oligarch— 

15:40  IAN: Oo.

15:40  ARIES: If there’s such a thing. Pero ang sabi ni Winters, the essence of oligarchy is ‘yung tinatawag na wealth defense. Meaning, this is the one that motivates the rich to participate in politics, to grab political power, to maintain themselves in power because at the end, sabi ni Winters ang natural tendency ng napakayaman—unang una, ‘pag naging mayaman ka, anong unang  naiisip mo “Paano ko ito mapapanatili?” ‘Di ba, “Paano ko ito mapapasa, sa mga anak ko? Sa mga apo ko?” “Paano ko ito hindi mawawala sa akin?” And, that is the question of a lot of rich people especially in a democracy because… unang una, mga leaders inihahalal ng lahat. Therefore, these leaders are mostly elected by the poor rather than the rich.

So, a democracy ang isang demokrasya, in… kasama sa sistema niya ‘yung pagwarak ng kapangyarihan ng mga mayayaman. Kasi nga karamihan mahihirap, syempre ang gusto nila mas maging equal ‘yung lipunan. So therefore, this is why oligarchs need to defend their wealth, kasi parating magkakaroon ng threats from below. Kaya sila, tumatakbo sa eleksyon, kaya sila nagpopondo ng mga politiko kasi ang layunin doon dapat kung sino man ang mga nasa… nasa posisyong politikal gagawin nito ang lahat para mapanatili ‘yung yaman ng mga oligarchs. To the point na sila mismo yung tatakbo, kasi pwede naman sila magpatakbo lamang ng politiko. Wealth defense, paano natin to nakikita? Unang una, making sure na hindi sila bubuwisan. So ang una kong tanong sa mga nanonood at nakikinig, dito ba sa bansa natin… sapat ang binabayad na buwis ng mga pinakamayayamang Pilipino? Di ko pa na po sasagutin yan? Hahayaan ko na lang—

18:16  IAN & DEE: *Laughs*

18:16  ARIES: Sumagot niyan. Kasi kung ang tanong ay hindi at ang lumalabas ay walang kakayahan ang estado para buwisan sila ng nararapat. Guess what? Tayo ay nasa isang oligarkiya.

18:31  DEE: *Agrees*

18:32  IAN: Grabe!

18:35  ARIES: So ‘yung wealth, ‘yung wealth defense very important ‘yon kasi one way to undercut ‘yung power ng oligarchs is taxation. Pangalawa, asset reform. Sa Pilipinas ‘yung asset na ‘yon, the main asset of wealth, remains to be land. 

18:57  DEE: Yes.

18:57  ARIES: So, pagdating natin sa kasaysayan ng oligarkiya sa Pilipinas ‘yun ‘yung dalawang tanong: paano nabubuwisan ang mga mayayaman at paano kung nakukuha man, ‘yung mga lupa na kanilang kinamkam? Sa ibang bansa kasi tulad ng… East Asian Tigers: Korea, Japan, Singapore, maririnig natin ‘yan sa social media “Why can’t we be Singapore? Why can’t we be South Korea?”

19:26  IAN: Totoo!

19:27  ARIES: Dalawa po! Because they prevented themselves from being an oligarchy by making sure that the rich pays the right taxes.

19:36  DEE: *Agrees*

19:36  ARIES: And, that the state controls the land. No one owns— 

19:42  IAN: *Sighs and laughs*

19:42  ARIES: Major tracts of land na from their ninuno pa because at the end po, Dee at Ian, a state is a state because it has power of eminent domain. 

19:57  DEE: *Agrees*

19:57  ARIES: There is private property only because the state allows it. 

20:02  DEE: Sige. *Laughs*

20:04  IAN: My god!

20:05  ARIES: So, itong bigyan ko kayo ng histo… nung kasaysayan ng ibang bansa kasi bakit nila kinuha ‘yung mga lupa kasi pwedeng sabihin na mga nakikinig Bakit nila kinuha, pagaari naman ‘yun nung ano, nung mayaman?” 

20:17  IAN: *Agrees*

20:17  ARIES: “Bat nila inano yung karapatan ng mayaman?” Sa estado po kasi, ang karapatan ng… minsan, minsan and may implication ito sa human rights—’yung pagbabalanse ng pangkalahatang kabutihan sa interes ng iisa o iilan na tao, isa sa mga kapangyarihan ng estado is that it can deprive you of your property if the state sees it as an important and strategic resource for the public welfare. So ayun ‘yung ginawang… rationalization, iyon ‘yung rason nung… nung land reform at nung taxation na inimpose sa mga napakayaman. So in other words, hindi masyadong nadepensahan ‘yung kayamanan nung mga oligarchs sa mga bansang ito.

21:12  IAN: *Agrees* Sige.

21:12  DEE: Wealth defense, Ian. New term para sa akin pero sobrang—

21:18  IAN: Oo

21:18  DEE: It make sense nung ipinaliwanag ni Prof. Aries. Ang lumilitaw parang natural na siya na impulse ng mga mayayaman pero ang bawat bansa ay may kaniyang kaniyang, sigurong naging trajectory kung paano nila cinurb or— 

21:36  IAN: Oo!

21:35  DEE: Sinuportahan yung impulse na iyon. So sabi niyo nga po Prof. Aries sa Pilipinas, baliktad ang nangyari. 

21:44  ARIES: Ito yung hindi nabago. Hindi tayo nagkaroon ng any form of social change that was, that enabled us to, to emancipate ourselves from such, a setup. Hindi katulad, kasi mga ibang bansa dumaan sa phase na ito kaya lang, nag modernize sila.

22:09  DEE: *Agrees* Prof. Aries, sa paglalatag ninyo, I think kaya naman nating i-connect yung dots sa epekto nitong oligarchy at ng presence nito at pagiging embedded niya sa…sa political life natin. ‘Yung epekto niya doon sa buhay at kalidad ng buhay ng mga tao. But if we can spell it out further para sa ating mga nakikinig, ano po ang direktang epekto nito sa tao?

22:40  ARIES: Kung, ang mga oligarchs ang namumuno, kaninong interes kaya ang iniisip nila? Once pahiramin natin sila ng kapangyarihang politikal, ang pagpapaunlad ba ng buhay niyo o pagdedepensa ng kanilang kayamanan? Kasi doon pa lang, mayroon ng conflict of interest. ‘Di ba? So, in other words, kung tayo talaga ay isang demokrasya, every six years, every three years, we do this thing called elections. And yet we willfully, wala naman ‘tong, well ‘yung eleksyon natin is violent. So minsan tinutukan ka talaga ng baril para iboto ‘yung kung sino man ‘yung dapat iboto. But in general, we willfully give these oligarchic families power. So ang tanong ko sa bawat Pilipino, nakakaapekto ‘to sa bawat buhay niyo because hinahayaan niyo silang pamunuan kayo despite ‘yung nakikita naman natin… maraming galit sa sistemang pulitikal ng Pilipinas, maraming galit dito sa demokrasya, baka dapat mas magalit kayo sa oligarkiya.

24:04  DEE: *Agrees and laughs*

24:04  ARIES: Hindi yung system… because the system produces the oligarchy but it can also produce an alternative outcome. Iyon yung maganda sa sistema ng… ng demokrasya. Ang pagpapahiram ng kapangyarihan ay dapat doon sa, sa tingin natin ay pagsisilbihan tayo—mga lingkod-bayan. At pangalawa, hindi magkakamkam ng kayamanan lalo na kung ang kayamanan nito o ang pera na ito ay galing sa kaban ng bayan. So, corruption ito ‘yung sa tingin ko, itong issue na ito, hindi malayo sa sikmura ng bawat Pilipino because sa amin sa political science, corruption is oppression, ultimately. 

24:50 DEE & IAN: *Agrees*

24:51 ARIES: Corruption is oppression. It’s a major human rights violation because ang, ang pagkakamkam ng pera ng bayan means you are depriving services, rights, as well as other things na that are due to the people. Pangalawa, oligarchs get away with things because part ng wealth defense is itatago nila yung kayamanan nila. Nilalabhan, money laundering. ‘Pag walang transparency meaning hindi nila… kasi a public office is a public trust. Pag hindi nila shine-share ‘yung SALN kahit malinaw sa batas, ‘pag ito ay hindi pinapakita at walang transparency ibig sabihin we are allowing oligarchs, oligarchs to defend their wealth. Kasi kung talagang, nakadeclare ang kayamanan nila, ang susunod na tanong: “Nagbabayad ba ito ng buwis?” ‘Di ba? And we all know, napakadaming tax evaders, sa— 

26:04  DEE: Totoo! *Laughs

26:04  ARIES: Bansang ito  

26:04  IAN: *Laughs*

26:04  ARIES: Hihinto na ako doon kasi— 

26:08  DEE & IAN: *Laughs*

26:08  ARIES: Mababash nanaman ako sa social media. But for those, you know what I’m talking about.

26:15  DEE: Sa usapin po na may gusto tayong baguhin kasi it’s not working for the majority, itong klase ng pamamahala at mayroon tayo ngayon. Meron gusto tuloy na sumasali, sumabak sa politika pero ang lumalabas mataas po yung barrier of 

26:37  IAN: Oo!

26:37  DEE: *Laughs* Entry. Mataas kasi nga una ‘yung pera na kailangan mo para mangampanya, ‘yung connections na dapat present para mayroon kang makinarya.

26:48  IAN: *Agrees*

26:48  DEE: Mayroon pa po bang ibang avenues para magclaim ng kaunti, para hindi lang sila?

26:55  ARIES: Sa tingin ko, importante ‘yung edukasyon pa rin at information dissemination lalo na ngayon talamak yung fake news at disinformation.

27:05  DEE: *Agrees*

27:05  ARIES: Kailangan maituro yung civics: “Ano ang karapatan ng mga ordinaryong tao?”  “Ano ang obligasyon ng gobyerno?” Sa akin susi iyon sa pagiintindi kung paano ba natin babaguhin ‘yung, ‘yung politika natin. Kasi ‘yung institusyon nandiyan, kaya lang—

27:31  IAN: *Agrees*

27:31   ARIES: Talagang nadominate na siya ng trapo politics. At ang, sa tingin ko importante talaga mag-organisa.

27:40  IAN: *Agrees*

27:40  ARIES: Ako, sa akin importante yung na ang politika, sa kasalukuyan, sa Pilipinas ay bigyan ng espasyo ang kabataan. So in a way, politically disenfranchised ‘yung kabataan. Kasi if you look at most of the leaders, they’re, they’re way above the median age.

28:01  DEE: Prof. Aries, at least dito sa recent elections and talking to, especially, younger people na for the first—for many of them—first time nilang maging super active sa, sa elections and sa campaigning for their preferred candidates. Nung lumabas ‘yung resulta ng election, ang daming na, well nadisappoint on losing—

28:25  IAN: Nanlumo! *Laughs*

28:26  DEE: And nanlumo—and worse than that—talagang nalungkot at mabigat ‘yung pakiramdam and after that parang nagwiwithdraw sila ngayon parang “Tumaya ako, tapos grabe yung pagkalugi ko.”

28:39  ARIES: *Agrees*

28:38  DEE: Ngayon, parang nasa stage sila ng, parang masyado malaki ‘yung problema na ‘to for someone like me.

28:49  ARIES: *Agrees*

28:49  DEE: Na bata pa lang, na walang karanasan, hindi kasing husay, kasing talino, kasing dunong ng mga taong ‘to. Masyado malaki ‘yung kalaban, in other words

28:59  ARIES: *Agrees*

28:59  DEE: So, ayaw nila tuloy ngayon ituloy yung nasimulan nila nung election season. Kasi “Hindi pala natin kaya.” What do you say to that?

29:12  ARIES: Naiintidihan ko ‘yon. Bilang isang taong nag-aaral at nagpapatuloy na nag-aaral ng politika sa Pilipinas. Kung mayroon man dapat, jaded na sa politika siguro dapat kami yon. Dahil hanap-buhay namin ito—

29:26  DEE: *Laughs*

29:26  ARIES: Kailangan namin siyang indahin. Kahit alam namin na may, may mabuting, mas mabuting bersyon ng politika sa Pilipinas, kailangan namin… sabihin kung ano ‘yung kasalakuyang estado ng politika sa Pilipinas. Ngunit, naiintindihan ko ‘yon so sa lahat ng mga disillusioned na kabataan ngayon. Do not deny that feeling, unang una. 

29:57  IAN: Yes!

29:57  ARIES: Yakapin niyo ‘yon! Kasi, natural ‘yon. Ngunit may dalawa akong mensahe: unang una, hindi dapat nating isipin na madali ‘yung, kung ano man ang gusto nating pagbabago. Kung titingnan niyo ang kasaysayan ng lahat ng bansa, ang rebolusyon—at ‘yung rebolusyon na sinasabi ko hindi yung rebolusyon na iniisip ng mga nagrered-tag— 

30:29  DEE: *Laughs*

30:29  ARIES: Rebolusyon meaning pagbabago sa lipunan na progresibo.

30:32  IAN: *Agrees*

30:32  ARIES: Ang pagbabago na ito hindi ‘yan overnight. Hindi ‘yan, na, hindi yan madali, hindi ‘yan naisasakatuparan ng iisang kampanya lamang o iisang eleksyon.

30:47  DEE: *Agrees*

30:47  ARIES: So, kumbaga sa laws of physics, itong enerhiya na ito na ikinagulat ko rin. Ako na nag-aaral—

30:55  DEE: Opo.

30:55  ARIES: Ng politika nang dalawang dekada, ngayon ko lang nakita ‘yung enerhiyang ito kasi hindi siya fabricated. 

31:05  DEE: *Agrees*

31:05  ARIES: Hindi siya pinaingay lamang ng social media.

31:09  IAN: *Agrees*

31:10  ARIES: Dama to! Totoo! And kahit ano pang sabihin nila na “Talo naman kayo!” o kaya ‘yung, yung kayo saka sila, polarization yan.

31:21  DEE: Yes.

31:21  ARIES: “Wala namang nadulot!” Wag niyo silang bigyan ng kapangyarihan na kunin ‘yung naratibo ninyo. Kasi ang naratibo ninyo: tumindig kayo, lumaban kayo ngunit hindi pa tapos ang kwento. Hindi pa tapos ang kampanya. Sa laws of physics, energy can neither be created nor destroyed—

31:52  DEE: Nor destroyed

31:50  ARIES: It can only be transformed. So siguro, matuto.

31:57  IAN: Yes!

31:57  ARIES: Matuto sa mga lessons nung nakaraan. Mas pagbutihin at sa tingin ko, ang pinakita nung nakaraang kampanya, nung nakaraang election ay may potential.

32:11  DEE: *Agrees*

32:12  ARIES: Para sa—kasi the moment that Filipinos can imagine and can fight for a better political future for the country that means we have opened, kahit lang a siwang of possibility. Kasi change can happen if people believe in it. If there could be the belief in the possibility.

32:43  IAN: Yes!

32:43  ARIES: So ‘yung, ‘yung disengagement I get it. Embrace that, take as much time but naghihintay po ang bayan, naghihintay po ang nakaraming Pilipino na kailangan ng tulong at ng kailangan ng bagong politika. So, para sa mga kabataan diyan, ok lang po sa ngayon but hopefully we will see each other. 

33:18  IAN: Oh my god!

33:18  DEE: *Laughs*

33:20  IAN: Kinikilabutan ako.

33:23  DEE: Pero yeah Prof. Aries, I feel like speaking at least sa immediate circles maraming kailangan makarinig nung mga sinabi ninyo. I guess hearing from someone—

33:34  IAN: *Agrees*

33:34  DEE: Like you na araw-araw, sabi niyo nga po, iniinda yung politika kasi ayan ang hanap-buhay, may enerhiya at mayroon pa ring kapasidad to engage, siguro kaya din namin. Tama ba ako, Ian? O masyado tayong ano, optimistic?

33:49  IAN: *Laughs* Hindi

33:52  DEE: *Laughs*

33:52  IAN: Gusto ko nga ‘yung, ‘yung ano, nagstart in a very parang cynical tone. Cynical narrative

33:57  DEE: Oo.

33:57  IAN: Pero nag-end tayo in a very empowering 

34:00  DEE: Pero honest, cynical pero honest.

34:01  IAN: Honest and empowering, encouraging. Kumbaga ang naiisip ko lang na linya ay ‘yung pessimism of the mind pero the optimism of the will. 

34:10  DEE: Wow!

34:10  IAN: Na sabi ni Sir kanina, yakapin. Niyakap ko talaga, as someone na part ng mga, ng millenial na generation ngayon and sobrang sobrang grateful ako kay Sir Aries for the pointing it out again na natumba, kailangan ulit natin tumayo uli. Mag-organize lang ulit. Kasi di naman din tayo talaga nag-iisa sa laban na ito.

34:36  DEE: This has been wonderful conversation na sobrang enlightening at—

34:41  IAN: Sobra.

34:41  DEE: Mayroon tayong waypoints ng discussion for future episodes even. So hopefully, Prof. Aries mainvite ka namin in the future kasi ang daming, ang daming lumabas.

34:55  ARIES: Kung hindi tayo mareport as a…

34:58  DEE & IAN: *Laughs*

35:00  ARIES: Kung hindi tayo maredtag—

35:01  DEE: Shoutout sa mga ginawang personality ang pangreredtag.

35:05  ARIES: Sana, kung magcocomment kayo ng mala-troll, sana mabayaran kayo nang sapat.

35:11  DEE: *Laughs*

35:11  ARIES: Oo, kasi kung para sa inyo hanapbuhay ito, para sa amin kinabukasan ng bayan ito.

35:21  IAN: Totoo.

35:21  DEE: Sige, Prof. Aries if people want to hear from you where can they reach you, follow you.

35:27  ARIES: Hindi ko lamang isasama ang aking sarili ngunit may Twitter account po ako doon, I sometimes—’di naman parati about politics—but I tweet about politics usually but I want siguro ‘yung mga inyong tagasubaybay to follow the UP Department of Political Science, Twitter and Facebook, and to visit our website, at kahit kami ay isang academic unit we also render public service  and extension programs at doon sa YouTube Channel namin mayroon kaming mga Twitter Spaces that we recorded and, and if you want to learn more about Philippine politics, just visit our YouTube Channel and our Twitter Page.

36:19  IAN: Again, thank you, thank you so much Sir Aries sa napaka-enlightening—kung usapin lang din ng mga philosophers para akong lumabas sa kweba.

36:27  ARIES: Maraming salamat! Maraming salamat sa imbitasyon.

36:30  DEE: Thank you po Prof. Aries.

[su_divider]

36:31 *Music*

36:36  DEE: And there you have it, si Professor Aries A. Arugay!

36:40  IAN: Whooh, grabe!

36:41  DEE: Ang swerte. Let me just say this, ang swerte natin sa—

36:44  IAN: Sobra!

36:44  DEE: Mga nagiging guest natin sofar!

36:45  IAN: Oo, grabe!

36:47  DEE: Laging may ano, may tawag dito, eureka moments. 

36:51  IAN: *Agrees*

36:52  DEE: Pagka, nagtatanong tayo ‘yung mga simpleng

36:55  IAN: Sobra

36:55  DEE: ‘Yung mga simple nating tanong, nagagawa nilang i-expound at pagyamanin, palalimin pa. 

37:01  IAN:  *Agrees* At saka, yung akala mo depressing ‘yung paguusapan natin pero ang dami mong mapupulot na encouragement.

37:10  DEE: Ang daling sabihin natin na galit tayo, ayaw natin sa oligarchs pero maganda ‘yung pinunto ni Prof. Aries kanina na hindi lang yan basta pamilya ng mayayaman, mayroon silang mga ginagawa that is actively harmful to our democracy.

37:27  IAN: Yes!

37:27  DEE: To our health as a nation.

37:29  IAN:  *Agrees*

37:29  DEE: And ultimately sa well-being nating mga Pilipino. Pero bago pa humaba to let’s, let’s pause for a break and we’ll be back in just a few.

[su_divider]

AD BREAK

37:42  IAN: Alam mo na ba ang ating mga batayan karapatan? Alam mo na ba ang gagawin kapag bigla kang inaresto o bigla nagkaroon ng search operation sa inyong bahay o opisina? Kung hindi pa, nandito na ang ating primer na “Know Your Rights.” Nilalaman ng Know Your Rights primer ang ating mga batayan karapatan. Nakapaloob din dito ang mga dapat gawin kapag ikaw ay inaaresto, naaresto, o kung hinalughog halimbawa ang inyong bahay o opisina. Ang primer na ito ay inaakda ng Free Legal Assistance Group o FLAG, isinalin at dinisenyo ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ, at inilimbag sa tulong ng Philippine Human Rights Information Center o Phil Rights. Komprehensibo at malinaw napagkakasulat ang Know Your Rights primer ang magsisilbing gabay para hindi malabag ang ating mga karapatan sa anumang sitwasyon. Makipagugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya dito sa info@philrights.org. Yan ay “info@philrights.org.” Available ang primer sa wikang Filipino at Cebuano. Back to the episode.

AD BREAK ENDS

[su_divider]

38:57 NEL: Political dynasties have the tendency to abuse their powers. And that is because people in the government have the capacity to secure and protect their interests by governing the formulation, enforcement, and administration of laws and policies. So basically, due to power and influence, political dynasties can easily get away from what might be considered illegal because they have the capacity to manipulate or control the law and the confidence that no one would stop them or that they would have people which are kin in the same government to back them up whenever they do something wrong.

39:37  IAN: Ayan, so we just heard from Nel, a college student and ang ganda ng observation niya about political dynasties and tendency niyang abushin talaga yung kapangyarihan na nakuha nila sa gobyerno at ginagamit nila lahat nung mga kasangkapan at instrumento within that government para i-maintain ‘yung nakuha nilang kapangyarihan.

39:58  DEE: *Agrees* Sabi nga ni Prof. Aries kanina. ‘Yung interes syempre ng mga oligarchs ‘yung wealth defense.

40:04  IAN: Yes! Napakagandang term

40:04  DEE: Una, mamaintain ‘yung kanilang status and wealth nila

40:07  IAN: *Agrees*

40:08  DEE: And mag-accumulate pa and harangan ‘yung ano mang atttempts to mathreaten yung kanilang status.

40:16  IAN: The more they have power, the more they can escape, the more na kaya nilang takasan ‘yung accountability or ‘yung pananagutan nila sa mga tao, sa mga mamamayan na dapat nilang paglingkuran kasi sariling interes talaga nila ‘yung aim nila bakit sila sumasabak sa pulitika.

40:35  DEE: Hence, the presence and prevalence ng mga political dynasties. Syempre—

40:40  IAN: Yes!

40:40  DEE: They want those holding power in government to be under the influence para ‘yung kanilang interes ang masunod.

40:48  IAN: ‘Yung mga gampanin ng gobyerno na dapat tinutugunan, ‘yung mga karapatan, ‘yung mga basic needs, basic services na para sa mga mamamayan, hindi na talaga tutugunan, kaya ‘yung question na kung may direktang impact o epekto ba ito sa daily lives ng mamayanan, mayroon at ramdam na ramdam natin ‘yan sa lahat ng ginagalawan natin. Sa mga baku-bakong daan, ‘yung mga mahahabang pila sa mga government services, yung napakapangit na public transportation, pagtaas ng mga bilihin. Sabi nga ni Sir Aries, maiuugat talaga sa proliferation and maintenance ng oligarchic rule sa ating pamahalaan. 

41:28  DEE: So doon, nagrereflect din yung quality, kalidad ng mga kandidatong tumatakbo ‘pag eleksyon. 

41:35  IAN: *Agrees*

41:37  DEE: Mga kumakandito at nanalo.

41:40  IAN: Totoo!

41:40  DEE: Na kung sana, level at equal yung playing field, eh di usapan sana ito ng ideolohiya, ng plataporma—

41:48  IAN: Totoo ‘yan!

41:48  DEE: Ng policy ideas. Pero dahil last names, koneksiyones, pamilya sa pamilya, nagiging personality politics lalo. So dahil, malalim yung kapit,

42:04  IAN: Sobrang, lalim. Sobrang lalim.

42:04  DEE: Ang taas ng barrier to entry para sa mga hindi bahagi o miyembro ng—

42:11  IAN: Totoo!

42:11  DEE: Political dynasties. Mahirap manalo sa election ‘pagka wala kang pera, ‘pag wala kang connection. So natitira, ‘yun nga, mga political dynasty o celebrities. Pati ‘yung partylist system na in-introduce para sana ‘yung mga marginalized sector—

42:28  IAN: *Agrees* Oo, isa pa ‘yan.

42:28  DEE: Na hindi traditionally represented sa kongreso, sa gobyerno as a whole, may mekanismo sana sila para makapagparticipate sa governance.

42:40  IAN: Tama ‘yung punto mo Kuya Dee. Diyan sa partylist system na ‘yan. Sa review ng election watchdog na Kontra Daya, sa 177 na party list groups nung May 9 elections, 122 sa mga ito ay may connection sa mga political clans at malalaking negosyo. In short, oligarchies at walang klarong advocacy o sektor na nirerepresent. I think malahalagang punto yung third point kasi kung inevitable na mga mayayaman iilan ang tumatakbo, kung inevitable ‘yon at least man lang masatisfy nila tong third point na mayroon silang adbokasiya or mayroon silang sektor na talagang pinoprotektahan o tinutugunan. Kaso wala.

43:25  DEE: Ginagawa nilang mockery yung mechanism sana for participation.

43:30  IAN: Yes

43:30  DEE: Meaningful participation ng mga tulad nating mamamayan na naghahanap ng boses, naghahanap ng kakayahan sana na maiparating at maikampanya yung kanilang sektor na kinabibilangan. 

43:43  IAN: Totoo.

43:44  DEE: Bago pa natin, palungkutin lalo ang isa’t isa

43:48  IAN: *Laughs*   

43:48 DEE: At ‘yung nakikinig sa atin, siguro it’s time for break. We’ll be back after a short message. 

[su_divider]

AD BREAK

43:56 IAN: Uy! Bata-bata, alam mo bang may K ka? Tara, alamin at angkinin mo na ang K mo, dito sa “Batang May K.” Isang komiks tungkol sa karapatang ng mga bata, inilathala ng Philippine Human Rights Information Center o Phil Rights, kinukwento ng comics na ito ang karapatan ng mga bata. Samahan natin si Maya at Macmac sa kanilang kwentuhan tungkol sa ating mga karapatan at kung paano natin ito itataguyod, proprotektahan, at mabibigyan katuparan sa ating lipunan. Maliban sa makulay na komiks, may kasama din itong poster na pwede ipaskil sa ating mga komunidad at paaralan. Makipagugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya ng komiks at poster dito sa info@philrights.org. ‘Yan ay “info@philrights.org”. Yayaiin ang mga kapatid, magulang, mga kapit-bahay at mga kalaro, para sama-sama nating itaguyod ang K ng mga bata.

AD BREAK ENDS

[su_divider]

CLOSING SEGMENT

44:57 *Music*

45:00  DEE: At this point, I think its good to hear from you Ian. Kung ano ba ‘yung napulot mo from our conversation with Professor Aries at sa usapan din natin kanina about political dynasties. What do you think?

45:12  IAN: Ok. Ako Kuya Dee, ang napulot ko talaga ay ‘yung patuloy, patuloy sa paglaban kahit parang napaka hopeless nung nangyayari, kahit parang dead end na siya. Wala—parang walang ibang way kung hindi tumuloy sa pag-educate, pag-inform, pag-pressure, at siguro ipadama especially sa mga kahenerasyon ko na, na halos nawalan ng pagasa—na ‘di na talaga, parang ayaw na kumilos—na ipadama na hindi tayo nag-iisa at bilang kabataan tayo ‘yung may enerhiya at kasikyahan at pagiging makulit at pagiging creative na harapin ito. Kasi at the end of the day, tayo at tayo lang din ang hinihintay ng bayan.

46:00  DEE: Maraming points of reflection mula sa dito sa paksa natin ngayong araw. On some level pwede sabihin na rich vs. poor.

46:09  IAN: Oo.

46:09  DEE: At the same time, maganda rin sigurong bigyan ng lalim yung ating pagtingin.

46:16  IAN: Yes.

46:16  DEE: Kasi, kapag may kinakaharap ka sabi nga sa atin, name the problem, i-define nang klaro yung problemang kinakaharap. Mula doon lilinaw din ‘yung mga landas ng solusyon na available sa atin.

46:32  IAN: Nabuo na ang mga siwang.

46:34  DEE: Yan *Laughs* Pero Ian siguro maganda bigyan natin patikim ang ating mga tagapakinig kung ano yung pwede nilang abangan sa susunod na episode.

46:44  IAN: Ayan, Kuya Dee, buti natanong mo dahil napakaespesiyal ng susunod nating episode. Para gunitain at salubungin ang papalapit na Human Rights Day ngayong December 10. Mapalad tayong samahan ng dalawang babaeng human rights defenders—isang batikan at isang baguhan sa larangan. Maraming tanong, maraming kwento, at maraming karanasan ang ating maeexplore at mapapakinggan, kaya ayan, stay tuned.

47:15  DEE: And we hope, you join us again next time sa susunod na episode. Gusto ko lang ipaalala na kung mayroon kayong tanong, or comments tungkol sa mga napag-usapan namin, this episode or previous episodes, pwede kayong sumulat sa amin via email

47:27  IAN: *Agrees* Pwedeng-pwede

47:28  DEE:  philrights.usap@gmail.com. ‘Yan ay philrights.usap@gmail.com. And abangan din, meron tayong video version ng bawat episode na lumalabas sa YouTube page ng PhilRights, a few days after each episode.

47:45  IAN: Yes, yes, yes!

47:46  DEE: ‘Yan ang ating housekeeping!

47:48  IAN: Paalam!

47:49  DEE: Ba-bye!

47:49  IAN: Kita-kits!

47:52 *Music*

47:54  DEE: This podcast is a production of the Philippine Human Rights Information Center and the Philippine Alliance of Human Rights Advocates. Check out our show notes for links to our socials. For this episode’s transcript and links to resources and further readings, visit philrights.org. Our research producer is Andre Que, artwork by Lia Snyder.     

Want to learn more about this episode’s topic? Check out these resources

Oligarchy in the PH: A tale of political and economic entrenchment

Crony capital: How Duterte embraced the oligarchs

2022 candidates run over P20 billion worth of ads halfway through campaign

Reforming the Philippine Electoral Commission

Leave a Comment Using Facebook