by PhilRights Staff

This is a transcript of season 1 episode 2 of ‘Yang Human Rights Na ‘Yan, PhilRights’ podcast on human rights and social justice. Listen to the episode on Spotify or Apple Podcasts.

OPENING SPIEL

00:00  *Music*

00:06 IAN: What’s up, what’s up mga lods, si Ian ito at kasama ko si Kuya Dee. At ito ang ‘Yang Human Rights Na ‘Yan! Sa bawa’t episode, lilibot tayo ng mga issues na tagos sa sikmura, human rights, social justice, at iba pang usaping mahalaga sa Pilipino at sa Pilipinas. Para sa ating second episode, susubukan natin sagutin ang isa sa mga sumikat na tanong o meme sa social media: but the point is, need pa bang picturan? Kaugnay nito, pag-uusapan na rin natin ang resibo culture nating mga Pinoy, at kung paano nga ba natin ito iuugnay sa isa sa mga pinakamahahalagang prinsipyo sa usapin ng karapatang pantao. At ‘yan, ang iyong accountability o pananagutan. 

00:51 *Music*

00:59 IAN: Ayan, magandang araw po sa lahat ng tagapakinig sa ating podcast! Eto na po ang ating second episode. So para sa mga interesado pakinggan ang first ep, check it out niyo lang po sa aming Spotify or Apple Podcasts, at iba pang podcast sources. And actually, meron din po itong video version sa YouTube page ng PhilRights or Philippine Human Rights Information Center. Ayan! At kasama ko ngayon si Kuya Dee. Kuya Dee, kamusta ka?

01:27 DEE: Ayos naman Ian, thanks for asking. Nung nakita ko itong title ng second episode, natawa ako sobra! *Laughs* Pero dahil ang daming nangyayari lately, kailangan ko ng refresher, reminder, ano ba ang pinanggalingan nitong “Need pa bang picturan” na meme?

01:41 IAN: Oo, Kuya Dee, buti natanong mo. Bale ganito ang story niyan, lalo na para sa mga hindi rin nakasunod o hindi nasagap ng news feed nila itong meme na ito. Actually, just a week after the May 9 elections, sumaktong graduation ceremony ni Jillian sa New York University. At itong si Jillian, anak siya ni Mareng Leni natin, or the then-presidential aspirant, former Vice President Leni Robredo. At siyempre, bilang proud mom, nag-post siya ng pictures ng anak niya sa kanyang personal FB account. Tapos, aba, etong si Melinda, nag-comment! Ang verbatim, “Yeah, I get it. But the point is, need pa bang picturan ‘yan?”. *Laughs*

02:24 DEE: *Laughs*

02:24 IAN: And the rest was history, no? Naging meme, nag-trend, at nag-enjoy ang mga netizens sa pang-dodogshow. Since then, na-delete na ‘yung original comment. Pero i-search niyo lang sa internet, lalabas ‘yan. Ika nga nila, the internet never forgets. Pero speaking of pag-pipicture, i-try nga natin seryosohin ang tanong ni Melinda, na need pa bang picturan? Ikaw ba Kuya Dee, nagkaroon ka ba ng mga instances or personal experiences sa mga nakaraang araw na may mga kinailangan kang picturan?

02:55 DEE: Marami, actually!

02:57 IAN: *Laughs*

02:57 DEE: And I think lahat ng empleyado makaka-relate. Na kapag meron kang activities na ginawa sa trabaho mo, tapos gumastos ka. Kailangan mo magpa-reimburse-

03:07 IAN: Mm-hmm.

03:07 DEE: At bahagi sa proseso natin, bahagi na, pag mag-rerequest ka ng reimbursement, kailangan may ebidensya na nangyari at ginawa ‘yung activity na pinaggastusan mo. So ‘pag-nagpapasa ka sa ating Finance, kailangan i-pasa mo ‘yung pictures, pasa mo ‘yung activity report, pasa mo ‘yung resibo ng pinaggastusan mo. At least ‘yun ‘yung immediate takeaway ko ah pag sinasabing “kung need picturan,” ang sagot “yes.” Kasi ebidensya na nangyari ‘yung mga nangyari, ebidensya ‘yan na ‘yung sinasabi mong nangyrari, ay totoong nanyari. *Laughs* Hindi siya gawa-gawa. Hindi siya imbento, at meron kang pruweba. Pero ano ba ‘yung talagang gusto natin i-explore sa episode na ‘to, Ian?

03:52 IAN: Ayan ang gusto natin i-explore, siyempre, gusto ko ‘yung pinunto mo na pruweba ‘no? Kasi, ‘tong mga resibo natin, itong mga sina-submit natin sa atin mga Finance Officers, Auditors, it’s a way of maintaining that healthy, open, and transparent relationship. Etong resibo ‘yung nag-seserve as the bridge o tulay for that kind of relationship. And speaking of relationships, hindi lang ‘yan apparent sa pagitan ng mga empleyado. Meron din tayong relationships sa pagitan ng mga citizens at sa gobyerno. And speaking of the relationship between the citizens or the rights holders at sa mga duty bearers, nandito si Pat para mag-share sa kanyang thoughts tungkol dito.

04:35 AUDIO CLIP [PAT]: A government that is open, honest, and transparent is a government that builds good relations with its people. This enables a democracy which we know is a rule of the people, for the people, and by the people. A government that practices openness and transparency can be held accountable and lets the people know what is being done or what already has been done for our benefit. This may also lessen corruption which we know is popular amongst our officials now. By creating a healthy relationship with the people, this also enables engagement in the government’s ongoing and future programs and projects.

05:10 IAN: Ayan, ang ganda ng ibinahagi ni Pat, ‘di ba Kuya? Bale, kung open, honest, at transparent ang gobyerno, mas nabi-build ‘yung trust sa isa’t isa, which leads to a healthy relationship. Or in this case, isang matibay at maunlad na demokrasya. 

05:26 DEE: Matibay at maunlad na demokrasya. Saan ‘yon banda? *Laughs*

05:32 IAN: Ewan! *Laughs*

05:33 DEE: Pero gusto– *Laughs*

05:34 IAN: Nakikita ba natin ‘yon? Parang hindi eh! *Laughs*

05:35 DEE: Wala, ang layo! Pero gusto ko ‘yung, ‘yung openness and transparency – hindi lang bilang konsepto, pero sana realidad. Kasi ‘yon ‘yung pinakamabisang weapon natin laban sa corruption. 

05:49 IAN: Jusko, p*tragis talaga ‘yang corruption na ‘yan! 

05:49 DEE: *Laughs*

05:49 IAN: Actually eto ngayong recording ng podcast na ito, I think aware na ang mga tao at kumalat na ‘yung balitang 650 million pesos worth of, hindi lang funds, confidential funds na hiningi ng current Vice President and DepEd Chair, Sara Duterte. Confidential. At bilang mamamayan, karapatan nating malaman ‘to. We have the right to know saan napupunta ang ating mga buwis, ‘yung mga nagtataasang VAT sa mga bilihin. We have to know! We have to know san napupunta pera natin! *Laughs*

06:26 DEE: *Laughs* Ramdam ko gigil mo, Ian. Pero kalma tayo, kalma tayo. Ang gawin natin, dun sa idea na may confidential funds ang Department of Education, bakit siya dapat kwestyunin? Dapat nating malaman and I think isang mekanismo sana for us citizens na ma-access ‘yung ganitong klaseng impormasyon is through something we call “freedom of information.” 

06:53 IAN: Ayan! 

06:54 DEE: Oo, malaman itong paksa na ito, maraming pwede i-explore. Pero just those words alone, ‘no? “Freedom of information,” ‘yung kalayaan pagdating sa impormasyon – na kapag may gusto kang malaman mula sa affairs ng gobyerno, affairs ng pamahalaan, pwede mo itanong at sasagutin ka nang diretso. Sasagutin ka nang maayos. With honesty. ‘Yun ay posible through freedom of information. Pero, spoiler alert: walang freedom of information law ang Pilipinas.

07:26 IAN: Tama, tama, Kuya Dee! Ah, bagamat wala tayong solidong batas, na FOI or Freedom of Information law, nagkaroon na ng mga baby steps, kumbaga, or mga pahapyaw na mataguyod itong, um, itong right to know natin. At ‘yan ‘yung Executive Order Number 2, or EO Number 2, na nilagdaan noong 2016 ng ating, napaka-ironic pakinggan, ng ating former President Rodrigo Roa Duterte. At noong ni-rereview ko ‘tong EO Number 2, sobrang interesting niya, lalo na itong part na ito: maliban sa mga gastusin, ang part din na pwede i-access part of the EO Number 2, ay ano mga record, tala, dokumento, papeles, sulat, kontrata. Ultimo minutes ng official na pagpupulong, mapa-aklat, litrato, datos, materyal na pagsasaliksik o mga research. Pelikula, mga recording ng tunog at bidyo, mga magnetic tapes, mga electronic data, data sa kompyuter, at iba pang kahalintulad na mga materyal sa ano mang porma na ginawa, tinanggap o itinatabi ng anumang opisina. Binabasa ko na ‘yung literal na nakasulat sa EO Number 2, kasi, ang ganda eh! 

08:47 DEE: Ang ineexpect sa ano ng EO Number 2, bawa’t government agency may FOI manual. Meaning, gabay for that agency kung paano nila ifufulfill ‘yung mga requests for information ng sinuman sa atin. So it’s been how many years? Over 6 years since napirmahan, nalagdaan itong EO Number 2. And actually quite early on, isa sa mga primary na nagsusulong ng Freedom of Information law sa bansa, ‘yung Right to Know Right Now Coalition, early on, they did a review – paano ba ‘yung naging implementation ng EO Number 2? On the ground, sa mga government agencies, paano ito ineenforce, or paano ito nasusunod? Ano ‘yung mga findings ng Right to Know Right Now, Ian?

09:36 IAN: Buti nabanggit mo ‘yan, Kuya Dee. Ah bale nagpasa sila ng mga request sa 20 agencies upang maghingi ng 141 documents sa 230 contacts at naghintay ng 159 working days. Imagine, 159 working days – that’s, um, 159 divided by 30, ilang months ‘yon, Kuya Dee?

09:58 DEE: Uh, marami. *Laughs*

10:01 IAN: Mahaba! Halos–

10:03 DEE: Kalahating taon, ‘no?

10:03 IAN: Kalahating taon na hinintay sa mga agency na ito. Kasi gusto nila makita kung na-iimplement nang mabuti–

10:08 DEE: Mm-hmm.

10:08 IAN: Smoothly and efficiently itong EO Number 2. At ‘yung resulta, umabot lamang sa 17 dokumento ang natanggap nila. Seventeen out of 141 documents requested, tapos, 9% ng requests nila ay tinanggihan. Tapos, tumataginting 79% ng total number of documents na ni-request nila ay nakabinbin sa proseso. In short, processing. Pero ano’ng pinagkaiba nun sa, parang tinanggihan mo nalang din, ‘no?

10:39 DEE: Oo. By not doing anything, walang, wala kang nabigay, wala rin natanggap ‘yung mga nag-request. And, take note, this happened – this review happened noong 2018. 2 full years after the signing of EO Number 2, meaning they’ve had 2 years para pinuhin ‘yung enforcement sana. At pagandahin pa kung paano siya isasakatuparan. And yet, sobrang nakaka-disappoint ‘yung resulta nung sinagawang monitoring nung pag-gamit ng EO. And that tells us na baka hindi sapat na Executive Order lang. Baka hindi sapat na sabihin ng–

11:17 IAN: Totoo!

11:17 DEE: Presidente ng Pilipinas na dapat open at transparent ‘yung mga government agencies. Eh ‘yun ‘yung, that’s where we are. And now, fast forward to 2022, obviously wala pa ring Freedom of Information law, at while all of this is happening, parami at parami sa atin ang nagigising, namumulat, na “Teka, dapat alam ko ‘yung nangyayari sa gobyerno.”

11:44 IAN: Totoo.

11:44 DEE: “Dapat alam ko ‘yung nangyayari sa estado. Sa mga government agencies na ito na andaming pondo na nakukuha mula sa taxpayers’ money every year, dapat alam ko kung saan siya napupunta.” Case in point, pandemic. Andaming inutang ng Pilipinas para sa pagpopondo ng response–

12:05 IAN: Totoo.

12:05 DEE: Dito sa COVID-19. And yet, saan napunta ‘yung napakaraming pera na ‘yon? Up to now, there are so many unresolved, expensive questions. Eto sana ‘yong masasagot kung meron tayong matibay at sinusunod na implementation ng Freedom of Information.

12:25 IAN: Kung pipilosopohin natin, ‘no, isa lang ‘yung tanong diyan eh. Bakit mo idedelay ‘yung mga ganitong information sa publiko, kung wala kang tinatago?

12:35 DEE: Mm-hmm.

12:35 IAN: Kung walang mali sa expenditures mo, sa mga activities mo, within the government, kung wala kang maling ginagawa, dapat madali lang ma-access itong mga information na ito. Madali lang siya ibigay, o maging transparent sa mga mamayan mo, sa mga obligado kang paglinkuran, diba?

12:55 DEE: So kung sa national level, walang batas, pwede siguro way forward, individually muna, sa kanya-kanya natin mga Local Government Units.

13:05 IAN: Mm-hmm.

13:05 DEE: Kanya-kanyang bayan, kanya-kanyang cities, kanya-kanyang probinsya, pwede rin kanya-kanyang barangay. Baka sa atin na may interes na mag-emphasize ng Freedom of Information at magkaroon talaga ng mas open na proseso ang mga government agencies or at least Local Government agencies or offices natin. Pwede tayong tumulong mangampanya for local FOI ordinances. Isang way forward siguro ‘yon na pwede, at siguro mas realistic din at this point in the game, na malabo eh. Ewan ko.

13:42 IAN: Totoo.

13:42 DEE: Not to be pessimistic, pero, ang hirap i-imagine na seseryosohin ang mga attempts magkaroon ng batas that allows for transparency sa ganoong level, na andami mong pwede hingin from the government. So baka maganda at konkretong way forward is to figure out paano kaya magkakaroon sa lugar namin, sa barangay namin, sa siyudad namin ng ganitong klaseng mekanismo.

14:08 IAN: Simulan natin sa abot natin, which is ‘yung ating komunidad, at ‘yung komunidad ‘yung ating LGU. Kung meron kayong FOI na may transparent ‘yung access ninyo sa information, sa mga ganitong bagay.

14:22 DEE: Oo.

14:22 IAN: Marerestore natin ‘yung trust sa isa’t isa. Marerestore natin ‘yung trust sa mga opisyal na binoto natin na “Ah, okay, I see, dito pala napupunta ‘yung mga binabayaran ko. Dito pala napupunta ‘yung mga sinisikapan ko.” At nararamdaman natin siya kasi nakikita natin freely, open, at honestly itong mga ganitong impormasyon. ‘Yung bawa’t galaw, bawa’t gastos ng ating pamahalaan. 

14:46 DEE: Sana dumami pa sa atin ‘yung magkaroon ng realization na may konkretong impact ang kawalan ng access to information sa health, sa kalusugan ng ating bansa, in terms of our yes, fiscal health. ‘Yung ating kaban ng bayan but also, ‘yung tatag ng ating demokrasya. Na kaya nating bantayan ‘yung mga nangyayari sa gobyerno. And ‘yung mga nasa gobyerno, kayang i-honor ‘yung karapatan natin na pag tayo’y may tanong o may request na impormasyon o datos, dapat malaya nila itong mababahagi sa atin. 

15:24 *Music*  

[su_divider]

AD BREAK

15:29 IAN: Pamamahala, pag-unlad, at karapatang pantao. Grabe ‘di ba, ambibigat ng mga salita. Totoo naman, mabibigat na konsepto ang nilalaman ng bawa’t salitang ‘yan. Kaya rin madalas, hindi na ito napag-uusapan at natatalakay. Pero kailangan silang talakayin. Kailangan silang mapagusapan, at higit sa lahat, kailangan silang maintindihan ng bawa’t isa bilang mga mamamayang Pilipino. Pero paano naman natin ito sisimulan? Narito ang “Tayo Naman!”, primer tungkol sa rights-based approach sa pamamahala at pagunlad. Binuo ng Philippine Human Rights Information Center o PhilRights, layon ng primer na ito na himaying maigi, at malinaw na matalakay ang tatlong konsepto nabanggit: pamamahala, pagunlad, at karapatang pantao. Higit pa dito, ipapakita rin ng primer na magkakaugnay ang tatlong ito. Na ang tunay, makatao, at makatarungang pag-unlad ay makakamit lamang sa isang pamamahalang nakabatay sa ating mga karapatan. Kaya tara! Sama-sama nating lakbayin ang mga aral na laman ng primer na ito. Mula sa ating mga karapatan, sa mga prinsipyong PANTHER, hanggang sa mga aktwal na hakbang na maaring nating gawin at simulan. Sama-sama nating isakamay ang ating pag-unlad. Tao naman, tayo naman! Makipag-ugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya ng primer, poster, at tarpaulin set dito sa info@philrights.org. ‘Yan ay “info@philrights.org”.

AD BREAK ENDS

[su_divider]

INTERVIEW WITH ELY OF PHILRIGHTS

17:05 *Music*

17:12 IAN: Ayan, welcome back sa ating mga listeners! At ngayon sa ikalawang bahagi ng ating podcast, sinasamahan kami ngayon ni Kuya Dee ng ating isang special guest. Kuya Dee, maari mo bang ipakilala ang ating special guest? 

17:25 DEE: Swerte tayo, napagbigyan tayo ng napaka-busy natin na kasamahan sa Education Program sa PhilRights, si Kuya Ely. Kuya Ely, maraming salamat sa pagsama sa amin ngayong episode.

17:36 ELY: Maraming salamat din sa pagimbita sa akin.

17:39 DEE: Oo, nandito ka for a very special reason–

17:42 IAN: Mm-hmm.

17:42 DEE: Kasi, gusto namin tingnan from a human rights perspective ‘yung pinag-uusapan namin ngayong episode, which is ‘yung resibo, paghahanap ng resibo. Accountability in other words. Sa iyong pagtingin, sa, pag nagbabahagi ka ng kaalaman tungkol sa human rights, ano ba sa perspektibo ng human rights ang ibig sabihin ng “accountability”?

18:04 ELY: Magandang, uh, topic ‘yan na pag-uusapan. Kung sa Filipino language pa, mas malalim ‘yan: pananagutan. 

18:14 DEE & IAN: Mm-hmm.

18:14 ELY: Lalo na sa bahagi ng mga public servants, ano? Uh, meron silang pananagutan or um, accountability nga ‘no dun sa mga constituency na nagtiwala sa kanila na magiging public servant sila, kasi diba sa atin, public service or servant is – requires public trust, ‘no? At, at bihira sa mga public officials ang may uh, pananaw at pagka- ‘yung appreciation hinggil sa karapatang pantao, lalo na sa usapin ng pananagutan. O ‘yung pag-gampan nila ng kanilang mga fresh mandate ano, na pinagkatiwala sa kanila. Kaya timely ‘yung usapin ng pananagutan batay sa karapatang pantao sa ating panahon ngayon.

19:01 DEE: Ian, dun sa usapan natin kanina, isa sa mga lumilitaw na, I guess, problema is ‘yung unwillingness nga nitong mga nasa gobyerno–

19:11 IAN: Totoo!

19:12 DEE: *Inaudible* Karamihan, based on our experience, na maging open, maging transparent. So kung doon pa lang, ‘di mo na alam ano ‘yung ginagawa nila, paano pa ngayon ikaw magiinvest ng tiwala o paano ka pa ngayon makakaramdam na kampante ka don sa paano nila pinangasiwaan ‘yung, ‘yung buhay natin bilang mga mamamayan. So, ano bang pwedeng solusyon, o I guess hakbang na pino-propose ng human rights organizations, o ng human rights movement as a whole sa, para siguraduhin na hindi lang tayo naghihintay ng pagbabago, na may pwede tayong hangarin na pagbabago na konkreto?

19:51 ELY: Para sa akin, may tatlong bagay usapin na dapat conscious ang mga public officials, ‘no? Una, ay kung may personal na adbokasiya o katapatan ang mga na-elect, na mga lingkod-bayan natin, mula sa national hanggang sa baba, sa barangay. Adbokasiya nila, prinsipyo nila at pananaw sa kanilang paggampan, sa kanilang mandato, kung ano man ‘yung kanilang posisyon sa gobyerno. Pangalawa na usapin ay kung ano ‘yung naisasaad sa batas. Like for example, ‘yung Civil Service Code. Bawa’t public official ay dapat sinusunod o ginagampanan kung anong nasa sa batas, ‘yung ethical conduct of a public servant. May mga panuntunan ‘yan na dapat kino-comply o pinapraktis mismo ng bawa’t isa na public servant, public official. At ang pangatlo, ay ‘yung mga istruktural na ah, maaring i-maximize ng isang public official sa paggampan ng kanyang rights-based approach on accountability. Like for example, sa HR community meron tayong prinsipyo ng PANTHER, ano? ‘Yung active participation ng citizens o ‘yung kanyang nasasakupan para maging kabahagi sila doon sa paggampan ng kanyang personal na mandato. Kabilang sila, ibig sabihin, nagbibigay ng open space, ng opening, ng venue para bukas ang kanyang panunungkulan nang sa gayon ay may malaya at kritikal na exchanges na nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ano sa kanyang paggampan ng kung ano man pinaka-role niya bilang public servant. ‘Yun ‘yung para sakin, tatlong panuntunan.

21:55 IAN: I see, I see, ang ganda ng mga sagot, napaka-linaw, napaka-komprehensibo! Thank you Kuya Ely sa pag-eenumerate ng mga major points, ‘no? Actually, gusto ko, curious ako dito sa ikatlong punto kasi napalitaw na natin ‘yung usapin ng PANTHER, at ‘yung usapin ng RBA or rights-based approach na ad break natin kanina, ‘no, itong rights-based approach. So lumalabas Kuya na, ‘yung usapin ng pananagutan o accountability, interconnected siya, kaugnay niya ‘yung mga ibang prinsipyo ng PANTHER na ito. And by the way, ano po ba ‘yung ibang prinsipyo ng PANTHER?

22:31 ELY: Para makumpleto ‘yung PANTHER, baybayin natin ah, kada-letra, ‘no? Letter P, Participation. ‘Yung active participation ng mamamayan. Letter A, Accountability, ‘yung pananagutan. Letter N, Non-discrimination. Ibig sabihin, walang pagtatangi, lahat ay dapat kasali, ‘no, walang naiiwanan. Letter T, Transparency. Nako lalo na kapag usapin ng siguro ng  budget, finances, no, kung may proyekto ang mga public officials or mga Local Government Units. Letter H, ay Human Dignity ‘no, pagsasabigay halaga sa bawa’t isa. At lalo na ‘yung magiging role ng citizens sa governance, together with the government. Letter E, sa dulo dapat ma-empower ‘yung bawa’t isa sa kaisipan, sa kasaysayan, at ‘yung joint governance ng citizen together with their government. Panghuli ‘yung R, Rule of law. Ah, kung sa batas ‘no, mayaman ang Pilipinas sa maraming batas, national hanggang sa mga local ordinances sa bawa’t city, sa municipalities. Ang kailangan lang talaga diyan ay i-implement, ipatupad. Tapos lalong lalo na sa bahagi ng mga human rights community, ay yoong rights-lens approach ‘no, na pamamahala or governance. 

23:59 IAN: Yes, yes.

23:59 DEE: Interesting ‘yung link ng partisipasyon, active, sabi mo nga, Kuya Ely. Active participation at accountability, na kung dahil nga maraming butas at maraming kulang dun sa accountability mechanisms na meron tayo, siguro isang way para ma-address ‘yon ay bigyan nalang ng espasyo for active participation ‘yung mamamayan. Ang tanong diyan ngayon, paano ‘yung isang tao, halimbawa, hindi naman siya member ng kahit organisasyon, hindi naman siya human rights defender, hindi siya naman aktibo sa political processes sa kanilang lugar, siya, ‘yung taong ‘to, paano nga siya pwedeng magsimulang makibahagi at maging active participant sa uh, government affairs? Without being part of the government?

24:50 ELY: Magandang um, katanungan ‘yan, ano? Sa Local Government Code na pinapatupad ng DILG, meron memorandum circular ang DILG para maglunsad ng mga barangay assemblies kada Marso at Oktubre sa isang buong taon. At doon, invited lahat ng mga kabarangay kung saan mang barangay sila kabahagi, whether you’re an individual person o kabahagi ng mga samahan pangpamayanan ay maaari kang dumalo, makinig, at makibahagi dun sa mga talakayan. At mula doon, kadalasan ang nagiging conduct sa mga barangay assemblies parang SONA ‘yan, ano.

25:41 DEE: Oo.

25:41 ELY: Doon pa lang, ‘yung binanggit kong third point kanina ‘no, ‘yung struktural na mga opening, na dapat ay na-eexercise ng mga LGUs. Isang example na ‘yang barangay assembles. Pagiging-bukas, accountable sa kanyang nasasakupang mamamayan, nirereport ‘yung kanyang accomplishment, at doon nagkakaroon ng exchanges, palitan, tanungan, at paglilinaw ang mamamayan sa naabot ng naging praktis ng kanilang elected officials. So ‘yun, isa lang ‘yung example, na pwedeng maging active citizen ang karaniwang mamamayan without entering kung ano man organization. Um, maging ano lang, maging interesado maki-balita, bahagi, kahit don sa barangay levels, sa mga barangay assemblies.

26:34 DEE: Oo, parang ano siya ‘no, parang isa sa mga entry level na paraan at siguro kung si kuya o si ate pupunta sa barangay assembly, makinig siya, tapos may pagkakataon din siyang magtanong, tama ba, Kuya Ely?

26:48 ELY: Oo, oo. Kasi ‘yun na ‘yung pagkakataon eh, na mapakinggan ang boses ng mga karaniwang mamamayan. Tapos, ‘yun din ang isang platform or venue ng mga public officials sa barangay na ipakita na “Eto, ‘yung aking pagsasabuhay ng pananagutan, accountability; eto ‘yung aking nagagampanan hinggil sa paggawa ng batas, pag-implement nito, local ordinances, resolution,” na batay sa konsultasyon sa kanyang nasasakupan. 

27:19 DEE: Mm-hmm. So March at tsaka Oktubre–

27:20 ELY: Oo.

27:21 DEE: Twice a year nagaganap ang mga assembly ng mga barangay at pwedeng dumalo. 

27:26 IAN & ELY: Oo!

27:26 DEE: Maganda siguro kung hindi ka mag-isa pupunta. Punta ka ng barkada mo, mga estudyante punta kayo, gawin niyong class activity. Coordinate ‘nyo sa teachers ‘nyo, ganyan, halimbawa. Kasi nga, ito ay isang venue ng – for pakikinig, at also pagtatanong kung mayroon gustong malaman.

27:43 ELY: Oo, eto na rin kasi ang pagkakataon doon sa PANTHER principle ng human rights community na ‘yung mamamayan actively nagpaparticipate, binibigyan, binabahagi niya ang kanyang saloobin, naiisip, at mungkahi na mga ordinansa, mga proyekto, at least sa barangay level. Tapos may pagkakataon naman kung gus- kung very active ang mga citizens, at kabahagi siya ng mga People’s Organizations o samahang pang-komunidad ay mayroon tayong mga Barangay Development Council, or kaya Municipal Development Council or City Development Council, na kung saan isang platform din at venue ng elected or sitting public official na maipakita ‘yung kanyang pananagutan sa kanyang nasasakupan at sa mga mamamayan na bukas sila sa pakikinig.

28:39 IAN: Ang galing, ang ganda ng mga pinunto ni Kuya Ely kasi sa kaninang unang bahagi ng episode natin, ‘yun ‘yung parang one of the worries and challenges na na-discuss din namin ni Kuya Dee, na kung ‘yung usapin ng FOI, transparency, accountability ay hindi natin ma-grasp on a national level, and we start small, on our LGUs, our barangays, our communities, ito ‘yung mga steps, ito ‘yung mga platforms and spaces na pwedeng-pwede nilang pasukin o simulan, ‘yung nga, ‘yung barangay assemblies, Barangay Development Councils, and ‘yung community organizations and groups. Gustong-gusto ko ‘yung punto na etong barangay assemblies parang eto ‘yung SONA equivalent–

29:21 DEE: Oo.

29:21 IAN: Nung barangay. Ang ganda kasi ng mga pinunto ni Kuya Ely. I find it very empowering, very encouraging kasi parang kung ako ‘yung member ng barangay na ‘to, parang meron pala akong malalapitan, malapit, ilang lakad lang sa Barangay Hall, ‘di ba? Isang trike lang, isang jeep, I can participate in political matters that involve me.

29:40 DEE: At tsaka diba, halos lahat ng barangay ngayon, I think ah, ‘di man lahat, pero maraming barangay ngayon may kanyang Facebook page–

29:49 IAN: Isa pa ‘yan!

29:49 DEE: May kanyang Facebook groups. ‘Yung pang-mamarites lang ‘don, malaking bagay na. ‘Yung may maitatanong ka, sasagot sila. Mararamdaman kasi nila na hindi lang sila basta na may hawak na posisyon. Na mayroon silang publiko na pinagsisilbihan, kasi aktibo ka ‘don sa comment section, aktibo kang nagtatanong, aktibo kang nagkokomento dun sa kanilang mga kinikwento, binibahagi sa atin sa social media. Kahit sa level pa lang na ‘yon ay maganda siyang hakbang patungo sa active participation. 

30:20 ELY: Oo, agree din ako diyan. Kailangan lang talaga ng mga LGUs natin, especially sa barangay level ‘no, to reinvent ‘yung kanilang sarili, ‘no. Dahil hindi naman maikakaila na tainted din kasi ‘no,  dahil sa trapo politics natin, nadadamay ang barangay. Kung anong mukha, hitsura, ng graft and corruption sa national level, ito’y cascaded hanggang sa baba eh. Kaya hindi rin maiwasan na hindi maging active o ‘di magtiwala ‘yung citizens kahit doon sa kapitan nila, ‘no, o sa mga kagawad. Kaya kailangan lang mag-step up, maging creative ‘yung mga barangay officials natin, kagaya ng sinabi mo nga ‘no, na para magkaroon ng interes ‘yung mamamayan, ‘yun nasasakupan niya, to be active dun sa kanyang barangay mismo. ‘Yan.

31:13 DEE: Bilang human rights educator ka, nakikisalamuha ka sa mga communities, sa mga people’s organizations, mga pangkaraniwang mamamayan nakakausap mo sila pagdating sa mga issues sa kanilang lugar, ano ba ‘yung madalas mong naririnig na sentimyento nila pagdating sa– ano ‘yung pagtingin nila sa konsepto, sa idea ng accountability?

31:33 ELY: Mas ano pa eh, nandun pa rin naglalaro sa patronage politics eh, ‘no? Siyempre, ang mamamayan umaasa na ang gobyernong kanyang binigyan ng mandato para magsilbi ay tutuparin ang kaniyang pangangailangan, ang kanyang- igagalang ang kanyang karapatan, rerecognize siya bilang importanteng kabahagi ng isang partikular na pamayanan. 

32:04 DEE: Kamustahin ko rin ‘yung madalas kong naririnig sa dati kong mga gawain sa mga communities.

32:10 IAN: Mm-hmm.

32:10 DEE: Madalas na reklamo sa, sa akin o nakukwento sa akin “palakasan system” pagdating sa–

32:17 IAN: Oo, I see.

32:17 DEE: Mga lokal na opisyal. Malaki epekto nito pagdating sa sino ‘yung nabibigyan ng serbisyo? Sino ‘yung nakikinabang sa mga serbisyo na dapat naman lahat nakikinabang, napipili, dahil sa “palakasan system”. So, konektado ‘yan don sa accountability na pinaguusapan natin na hindi siya nangyayari kasi may pagtatangi. Again, konektado uli sa PANTHER. Non-discrimination.

32:42 IAN: Oo, sa non-discrimination.

32:42 DEE: Sa human rights lens, paano natin ma-address ‘yung “palakasan system”? Ano bang pwedeng gawin?

32:49 ELY: ‘Yung existing na latag kasi ng ating pulitika, ‘yung ah, political structure natin ano, may isang positive but negative. Sa batas natin, ayon sa konstitusyon natin ano, mas matibay, malalim, at dapat ‘yun binibigyan ng halaga ‘yung Local Government Code.

33:12 DEE: Mm-hmm. 

33:12 ELY: Mas may ngipin ‘yan at dapat bigyan ng halaga, ‘no? ‘Yan ‘yung nagbibigay buhay sa kung ano ang nasasaad sa konstitusyon. Kaya binuo ‘yan ano, sa pangunguna ng the late Senator Nene Pimentel, ano, ay ‘yung Local Government Code. 

33:28 DEE: Mm-hmm.

33:29 ELY: Ah, on the other hand, tama rin obserbasyon ninyo, ‘no. Hanggang sa lokal kasi, imbis na good governance ang namamayani, ay ‘yung mga political clans, ‘no?

33:38 DEE: Mm-hmm.

33:38 ELY: Political families. Kung kaya’t ah, nababahiran ng ah, pagka- ng graft at corruption, ano? ‘Yung governance sa local level. Bunga nitong trapo politics, sa pangunguna ng ilang political families at clans. Kaya ‘yung ating mga mamamayan – kagaya ng sinabi ko kanina, ‘no – nagsasawa sila o nawawalan ng pag-asa dahil “ah, pare-pareho lang naman ‘yan eh, ng mga political families”. Kaya naghahanap siya ng talagang tutupad sana don sa accountability, ‘no, pananagutan para sa kanila.

34:15 DEE: Nako! Edi mukhang paikot-ikot ‘yung problema, dahil patronage politics dahil sa kalat ang political dynasties, talamak din ang korapsyon, at dahil don nawawalan tiwala ang taong bayan, at dahil doon hindi sila nagpa-paparticipate. Lalo na-rereinforce ‘yung lumalakas ang loob ng– 

34:35 IAN: Mm-hmm,

34:35 DEE: Mga gustong manamantala na ipagpatuloy ‘yung kanilang ginagawa. So, isang way to break that, napag-usapan namin kanina is ‘yung Freedom of Information.

34:42 IAN: Yes, indeed.

34:43 DEE: Kung may mekanismo na madali kang mankwestyon, manghingi ng detalye, ng impormasyon sa kalakaran na mga ahensiya ng gobyerno at mga nanunungkulan dito, baka mas malimitahan ‘yung opportunity na magkaroon ng abuses pagdating sa paggamit ng kaban ng bayan. Pero ‘yun nga, sabi namin kanina, malabo sa on a national level. So, ibig sabihin lalapit tayo sa LGUs natin. Anong pwedeng pointers na ibigay sakaling may nakikinig satin ngayon, gusto siyang gawin, “Ay nako, gusto ko may pagbabago sa lugar namin”?

35:20 ELY: Sa isang bansa at lipunan, lalo na sa mga pamahalaan o gobyerno na kumakalinga at nagtitiwala, ah, kung sa Ingles diba ito ‘yung “respect, protect, and fulfill.” Kung naintindihan niya ito at naisasabuhay, ang diwa nito wala sana tayong problema.

35:37 DEE: Oo!

35:37 ELY: Ngayon sa ating mamamayan, bilang individual na citizens, dapat nagwowork hand in hand, kasi may social contract tayo eh. Gobyerno sa kanyang mamamayan. Kailangan lang maging conscious at aware ang gobyerno, as well as tayong ordinaryong mamamayan na ang bawa’t buhay natin, paggalaw natin, ay may kaakibat na karapatan na dapat nirerecognize ng bawa’t isa. Nang sa gayon, ay tumungo tayo, ‘no, paunti-unti doon sa pagunlad o development na ating gustong ah, marating sa ating buhay at sa ating bansa. 

36:14 IAN: Relationship talaga siya ‘no, Kuya Ely, na may bahagi na kailangan gampanan ng mga mamamayan, mga miyembro ng barangay, komunidad. May bahagi rin ang LGU, ang pamahalaan, ang gobyerno. At babalikan nating ‘yung tanong na need picturan, ‘no? Kailangan eh. Parang maliban sa pag-picture, kailangan makilahok ang mamamayan, at kailangan padaliin ‘yung mga plataporma na maaring makilahok ‘yung mga mamamayan.

36:42 DEE: Mm-hmm. Maganda ‘yung nabanggit ni Kuya Ely na dapat nating angkinin ‘yung mga karapatan na taglay natin. 

36:47 IAN: Yes.

36:47 DEE: Kasi minsan, nakakalimutan ng mga nasa gobyerno.

36:50 IAN: Totoo ‘yan.

36:50 DEE: ‘Yung mga karapatan na ‘yon. 

36:52 IAN: Ah, Kuya Ely, meron ka bang mga gustong huling abiso nais ibahagi sa ating mga tagapakinig?

37:00 ELY: Um, oo. Ah, mayaman’t maganda itong na napagkwentuhan natin ‘no, hinggil sa ating mga karapatan. Ah, dapat nga hindi na nageexist itong resibo mentality o culture. 

37:14 IAN: Mm-hmm.

37:14 ELY: Kasi, ibig sabihin non naghahanap tayo ng pruweba. Kung ginagawa lang- nating lahat, lalo na ng public officials ang kanilang mandato para sa kanilang social contract, makikita ‘yan kung umuunlad ang ating pamumuhay – sa pang araw-araw hanggang sa kalidad ng ating pamumuhay.

37:34 IAN: Ayan, napakaganda. Maraming, maraming salamat Kuya Ely, sa pagiging bahagi nitong episode na ito. At magbabalik po tayo!

37:43 *Music*

[su_divider]

AD BREAK

37:46 IAN: Uy! Bata-bata, alam mo bang may K ka? Tara, alamin at angkinin mo na ang K mo, dito sa “Batang May K.” Isang komiks tungkol sa karapatang ng mga bata, inilathala ng Philippine Human Rights Information Center o Phil Rights, kinukwento ng comics na ito ang karapatan ng mga bata. Samahan natin si Maya at Macmac sa kanilang kwentuhan tungkol sa ating mga karapatan at kung paano natin ito itataguyod, proprotektahan, at mabibigyan katuparan sa ating lipunan. Maliban sa makulay na komiks, may kasama din itong poster na pwede ipaskil sa ating mga komunidad at paaralan. Makipagugnayan lamang sa amin para makapag-request ng libreng kopya ng komiks at poster dito sa info@philrights.org. ‘Yan ay “info@philrights.org”. Yayaiin ang mga kapatid, magulang, mga kapit-bahay at mga kalaro, para sama-sama nating itaguyod ang K ng mga bata.

AD BREAK ENDS

[su_divider]

CLOSING SEGMENT

38:46 *Music*

38:50 IAN: Ayan, welcome back sa ating lahat! Ang dami ko na naman natutunan! *Laughs* Parang Episode 1 lang, ‘no?

38:55 DEE: Totoo.

38:55 IAN: Ah, isa sa mga pinakagusto kong takeaways na maraming pwedeng gawin. Kahit sa barangay level pa lang. I find it really empowering, na kung hindi mo grasp ‘yung national government, hindi mo grasp kung saan napupunta ‘yung mga buwis doon, magsimula tayo sa malapit sa atin. Sa komunidad. Sumama sa mga barangay assembly na nangyayari nang March at October. Kung hindi man nakasama sa mga barangay assembly, lumapit sa mga existing Development Councils ng barangay, community organizations ng barangay. Makihalubilo online man o offline, andami palang ways mag-participate!

39:32 DEE: Siguro i-reinforce natin ‘yung isa sa mga naging punto kanina na kailangan natin basagin ‘yung status quo, kung saan komportableng hindi maging accountable ‘yung mga nasa puwesto. Kasi, pakiramdam nila okay lang kasi, nakakalusot sila for the longest time. Ipaalala natin sa mga kinauukulan na nandito kami, nagbabantay. Nandito kami, naghahanap ng resibo. Nandito kami, naghahanap ng pruweba na ‘yung dapat ninyong gawin ay totoo ninyong ginagawa. Nakakalakas ng loob.

40:06 IAN: Totoo.

40:07 DEE: Pagkatapos ng episode na ito, parang may energy ka ngayon na lumapit sa mga local government agencies, offices, at magsabi, “Paano po ako pwede makilahok? Paano po ako pwede mag-participate? 

40:22 IAN: Yes. At meron, merong mga mapupuntan.

40:23 DEE: Marami.

40:25 IAN: And with that, we officially close our Episode 2! Maraming maraming salamat kay Kuya Ely, maraming salamat sa kwentuhan Kuya Dee. At para sa Episode 3, ano bang aabangan nating lahat?

40:36 *Music*

40:36 DEE: Nako, humanda ka, Ian! *Laughs*

40:39 IAN: *Laughs* Jusko!

40:39 DEE: Episode 3 natin, paguusapan natin “Oligarchs”.

40:41 IAN: Oh my god! Ambigat, p*cha! *Laughs* Parang- *Laughs*

40:45 DEE: Una sa lahat, paano i-spell ang “oligarchs”? Kanina nahihirapan ako noong tinatype ko, pero susubukan nating kabisaduhin bago mag Episode 3.

40:53 IAN: Okay.

40:54 DEE: Pag-uusapan natin: oligarchs – pagka binabanggit ‘to, o nakikita natin ito online, klaro ba tayo sa ibig sabihin niya?

41:00 IAN: Totoo.

41:00 DEE: At ano ‘yung koneksyon ng oligarchs, ng mga oligarchs, sa pang araw-araw ng buhay nating mga Pilipino? ‘Yan ang ating pag-uusapan sa susunod na episode ng ‘Yang Human Rights Na ‘Yan.

41:11 IAN: Alright! Marami pong aaralin! 

41:13 DEE: Oo, in the meantime, maraming salamat sa lahat ng nakinig at sana makasama namin kayo sa next epsiode.

41:19 IAN: Mm-hmm, bye!

41:19 DEE: Ako si Dee.

41:19 IAN: At ako si Ian, ng ‘Yang Human Rights Na ‘Yan! 

41:23 DEE: *Laughs*

41:23 IAN: Paalam! Thank you!

41:23 DEE: Bye!

41:25 *Music*

41:28 DEE: This podcast is a production of the Philippine Human Rights Information Center and the Philippine Alliance of Human Rights Advocates. Check out our show notes for links to our socials. For this episode’s transcript and links to resources and further reading, visit philrights.org. Our research producer is Andre Que, artwork by Lia Snyder.

Want to learn more about this episode’s topic? Check out these resources

FOI, Kaya pa? Is there a future for FOI under DU30 administration?

Duterte’s freedom of information is not so free

The Local Government Code of the Philippines

Explainer: Ang Rights-based Approach o RBA at Papel nito sa Pamamahala at Pag-unlad

Leave a Comment Using Facebook